^

Pang Movies

Bidang aktres sa serye, buntis!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Natsitsismis na preggy si Bea Alonzo dahil hindi siya visible ngayon. At sa last presscon ni Bea, hindi raw pinayagang tanungin siya tungkol dito. Pero nang ipilit daw ng mga entertainment press ang sinabi ng boyfriend niyang si Zanjoe Marudo na ready na siyang maging daddy, natawa na lamang si Bea at sinabi na tiyak daw sinabi rin ng boyfriend na “not anytime soon.” 

Wala mang teleseryeng ginagawa si Bea, nagsu-shooting naman siya ng Cross­­roads ng Star Cine­ma kasama sina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

May isa ring sinasa­bing preggy na bida sa isang teleserye kaya balitang tatapusin na ang soap hanggang hindi pa ha­lata ang tiyan niya.

Biruan ng mga nagkukuwentuhan, problema raw ba iyon, madali raw sulusyunan i­yon. ‘Di ga­wing preggy daw ang cha­racter ng actress sa story. Tutal naman, ilang linggo na lang daw at matatapos na ang teleserye. Oo nga naman.

Hindi raw totoong buntis, Nadine desperado nang magka-baby

Inip na inip na si Nadine Samonte na magkaroon sila ng baby ng husband niyang si Richard Chua (anak ng actress na si Isabel Rivas).  Hindi pala totoo na preggy na siya kaya huminto muna sa pagtanggap ng project sa ABS-CBN. Mga bata pa naman sina Richard at Nadine, pero totoo ba ang narinig namin na gusto na nilang mag-asawa na mag-submit sa IVF (In Vitro Fertilization) para magka-baby na sila?

Joey puro beki ang mga ‘anak’

Kung dramatic love story ang Pangako ng Pag-ibig ni Direk Joey Javier Reyes nina Rocco Na­cino, Pauleen Luna, Luis Alandy, Jaclyn Jose at Anjo Yllana sa Eat Bulaga Lent Special, mag­papaiyak at magpapatawa naman si Joey de Leon sa Pinagpalang Ama episode na dinirek ni Bb. Joyce  Bernal. Mga anak ni Joey sina Jose Manalo at Wally Bayola na parehong beki. Kasama rin sa episode sina Ryan Agoncillo at Ms. Pilita Corrales, ngayong Tuesday, 11:30 a.m.

Tirso nasaktan sa yakap ni KC

Sandali naming nakausap si KC Concepcion noong birthday celebration ni Tirso Cruz III kaya natanong namin kung bakit hindi siya kasama ng inang si Sharon Cuneta at mga kapatid na sina Frankie at Miel sa Amerika. Susunod daw sila ng Daddy Kiko Pangilinan niya (last Sunday iyon, March 29). Gusto raw lamang niyang maka-attend ng birthday ni Tito Pip niya na ngayon lamang niya nalaman na dumaan pala sa matinding pagsubok sa buhay.

Nagkasama sila noon ni Pip sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala at Ikaw Lamang pero hindi raw nabanggit sa kanya ang karamdaman. 

Natawa kami sa kuwento ni Pip na after niyang maoperahan nang magkita sila ni KC ay todo raw ang yakap nito sa kanya. Hindi raw niya masabi na bagong opera siya at may mahaba siyang sugat sa dibdib. Tiniis na lamang niya ang mahigpit na yakap ni KC.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANJO YLLANA

BEA

BEA ALONZO

DADDY KIKO PANGILINAN

DAWN ZULUETA

HINDI

NBSP

RAW

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with