^

Pang Movies

Kala pa naman naka-jackpot, pinatos ng aktor ex ng tomboy!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ex-syota pala ng tomboy ang girlfriend ng aktor na in love na in love sa kanya.

Hindi naman inililihim ng girl ang kanyang past dahil mas mahalaga na nagbabagong buhay na siya at true love niya ang aktor.

Hindi nag-iisa ang girl dahil marami ang katulad niya pumatol sa kapwa babae pero ang ending, pinili pa rin nila na magkaroon ng normal na relasyon.

Masuwerte ang girl dahil malawak ang  pang-una­wa ng aktor na dinedma ang dark past niya. Dark past daw o!

Dingdong napagkakamalang tunay na pari

Ang husay-husay ni Dingdong Dantes sa kanyang priest role sa Pari Koy.

Nabigyan ni Dingdong ng hustisya ang karakter nito sa Pari Koy at dahil sa magaling na perfor­mance niya, tunay na pari na ang tingin ko sa kanya kapag napapanood ko siya sa primetime teleserye ng GMA 7.

Hindi ako magugulat kung mag-win si Dingdong ng acting award para sa Pari ‘Koy dahil sa kanyang outstanding performance.

Miriam Quiambao ipinangangalandakan ang sex life kahit mahal na araw

Naninibago kay Miriam Quiambao ang fans dahil brutal na siya sa pagsasalita.

Shocked ang fans kay Miriam dahil buong ning­ning na sinabi nito sa isang TV guesting na bong­gang-bongga ang sexlife nila ng kanyang mister na si Ardy Roberto.

Katabi raw ni Miriam si Ardy nang ikuwento niya kay Winnie Monsod ang status ng kanilang sexlife.

Puwedeng nagbibiro si Miriam para maaliw ang televiewers or nagsasabi lamang siya ng katotohanan.

Baka umiral lang ang pagiging conservative ng televiewers dahil pa­nahon na ng pagtitika bilang simula na bukas ng Holy Week.

Birth anniversary ni Liezl ipinagdiwang ng mga naiwan

Correction please. Forty eight years-old lang si Liezl Martinez noong March 27, hindi 50-years old.

Ginunita ng naulilang asawa at mga anak ni Liezl ang birth anniversary nito sa pamamagitan ng isang intimate dinner sa isang restaurant ng Manila Peninsula.

Present sa dinner si Albert Martinez, ang tatlong anak nila ni Liezl at ang kanyang father in-law na si Romeo Vasquez. Wala si Amalia Fuentes sa dinner at hindi na siya dapat hinahanap dahil alam naman ng lahat na may tampuhan sila ni Albert at ng mga apo niya.

Nakaaway ni Melissa aminadong sobrang yaman

Mama Salve, feel ko na maging BFF ang businessman na si Rey Pamaran ha? Type ko ang  pralala ni Papa Rey na hindi niya kailangan ang P3 million, ang halaga ng kanyang demanda kay Melissa Mendez.

Kung hindi kailangan ni Papa Rey ang tatlong mil­yong piso, puwede, ibigay na lang niya sa akin, kapalit ang genuine and sincere friendship ko.

Three million pesos is three millions pesos. Para mag-dialogue si Papa Rey na hindi niya kailangan ang tatlong milyong piso, he must be rich talaga!

 

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

AMALIA FUENTES

DAHIL

LIEZL

MIRIAM QUIAMBAO

NIYA

PAPA REY

PARI KOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with