^

Pang Movies

Rebolusyonaryong pangkapayapaan ni Robin umapelang patawarin na si Melissa, may edad na raw para kasuhan pa

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May apela rin si Robin Padilla sa businessman na si Rey Pamaran na nagdemanda kay Melissa Mendez.

Nakikiusap si Robin kay Pamaran na patawarin na si Melissa na 50 years old at may mga anak na binubuhay.

Nilinaw ni Robin na hindi siya nakikialam sa isyu pero maganda raw na maging magandang halimbawa sina Pamaran at Melissa sa mga kabataan.

I’m sure, ikinatuwa ni Melissa ang pagtulong sa kanya ni Robin at hindi siya na-offend sa sinabi ng aktor na masyonda na siya. Baka nga tinawagan na ni Melissa si Robin sa telepono para ipaabot ang kanyang pasasalamat.

Malinis at maganda ang intensyon ni Robin. Ang tanong, pagbibigyan ba ni Rey ang kanyang appeal o sasabihin ng businessman na nabigyan na nito si Melissa ng pagkakataon na i-retract ang mga statement at ipinauubaya na niya sa korte ang desisyon?

Sa mga hindi updated, ito ang mensahe na ipinararating ni Robin kay Pamaran na kasalukuyan na nagbabakasyon sa ibang bansa, isang linggo matapos mangyari ang gulo na kinasasangkutan nila ni Melissa.

“Sir, it will be very good for everybody, especially to the young men of sports/bodybuilding and law school, if the both of you will set an example of practicing the code of chivalry.

“Matanda na rin po si Melissa, 50- yrs.old na siya, maliit na babae at hindi naman mayaman, may naipon ngunit hindi naman sobra, sapat lang para sa pamilya.

“Hindi po ako nakikialam bagkus ay nakikiusap, naniniwala po ako na kayong dalawa ay marangal na tao at hindi umaatras sa laban, ngunit nagpakumbaba na po si Melissa at humingi na ng paumanhin at patawad.

“Malinaw na ayaw na po niyang lumaban pa. Dasal po ng Katipunan ay magkaroon na po ng katapusan ang hindi pagkakaintindihan na ito at magsilbing aral sa lahat ng sumasakay ng eroplano, babae man o lalaki.

“Ang pagpapatawad po ninyo kay Melissa Mendez ay tatanawing utang na loob ng lupon ng mga Rebolusyonaryong Pangkapayapaan.”

Male TV personality nagbanta ng demanda, pinagbibintang ang nambugbog ng ex

Imbyerna ang male TV personality sa kanyang ex-boyfriend na baklita dahil sa pagsisinungaling nito.

Isasadula ng isang TV show ang life story ng vaklush na boyfriend at ang pagiging battered dyowa ang kanyang pasabog na rebelasyon.

Mabilis na nakarating sa TV personality ang balita at obvious na siya ang tinutukoy na umbagero na boyfriend sa drama special na hindi pa naipalalabas sa TV.

May balak daw ang TV personality na hingin ang tulong ng kanyang legal counsel dahil makakasira sa pagkatao niya ang walang katotohanan na pralala ng baklitang boyfriend.

vuukle comment

MELISSA

MELISSA MENDEZ

PAMARAN

REBOLUSYONARYONG PANGKAPAYAPAAN

REY PAMARAN

ROBIN

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with