^

Pang Movies

Maraming Pinoy fans brokenhearted Zayn Malik tumiwalag na sa 1D; Lee Min Ho magpapakasal na!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May dalawang malungkot na balita na siguradong maging ang local fans ay madidismaya. Una, tuluyan nang umalis si Zayn Malik sa One Direction matapos ang limang taon. Sa kanyang resignation letter sa grupo, sinabi niyang bagama’t masaya ang kanilang grupo, gusto niyang makapamuhay ng normal, na alam niyang hindi mangyayari kung magpapatuloy siya sa sikat na boy band.

Nauna rito, hindi na tinapos ni Zayn Malik ang Asian tour ng kanilang grupo, kabilang na ang katatapos na concert sa Pilipinas, matapos silang mag-away ng kanyang girlfriend dahil sa isang picture niya kasama ang isang fan sa Thailand na kumalat sa Internet. Magpapatuloy daw ang One Direction kahit na apat na lang ang kanilang members.

Ang isa pa ay ang nababalitang maaaring pagpapakasal na ng matinee idol na si Lee Min Ho sa kanyang girlfriend na si Suzy matapos ang kanilang official announcement ng kanilang relas­yon. Si Lee Min Ho ay kinikilalang isang male superstar sa buong Asya. Sa China ay tinatawag pa nga siyang “nan shen” na ang ibig sabihin ay “male god”. Marami ang nagsasabing maaaring maapektuhan ang kanyang popularidad oras na mag-asawa na siya.

Si Lee Min Ho ay sikat na sikat din sa Pilipinas dahil sa mga TV series niya na isinasalin sa Tagalog. Endorser din siya rito ng garment company na Bench.

Albert nanahimik!

Mukha ngang hindi na mapipigil ang galit ng aktres na si Amalia Fuentes, matapos na pawalang halaga siya sa cremation ng kanyang anak na si Liezl Martinez. Sinabi ngayon ni Amalia na may nalaman siyang instructions na huwag siyang payagan sa cremation ng kanyang anak, at ang nag-utos daw noon ay ang “immediate family” ni Liezl. Kaya nagtatanong siya, “hindi ba kami immediate family”?

Bukod sa hinihingi niyang ibalik sa kanya ang dalawang milyong ibinigay niya mismo kay Liezl bago iyon namatay, na sinabi naman diumano ng kanyang anak na hindi nagamit, ibinulgar pa ni Amalia na dalawang araw bago yumao si Liezl, hinihingan pa umano siya ng asawa ng anak na si Albert Martinez ng limang milyong piso, na hindi na niya ibinigay. Inamin din niyang nagkasagutan sila dahil doon. Binigyang diin din daw niya na kung anumang kayamanan ang naipundar niya, iyon ay para sa kanya at kay Liezl lamang. Sinasabi pa niyang sinabihan siya ni Romeo Vasquez, ama ni Liezl, na humihingi si Albert ng 1.2 million, pero hindi na niya ibinigay iyon.

Nananatili namang tahimik lamang si Albert sa lahat ng mga akusasyon.

Ang sunud-sunod na pagbubunyag ni Amalia ay kasunod ng pag-post ng anak ni Liezl na si Alyanna sa kanyang social networking account na kahit walang binanggit na pangalan ay obvious na si Amalia ang kanyang pinariringgan. May mga nagsabi pang inalis lamang ni Alyanna agad ito. May tinawag pa siyang “dragon lola” sa nauna niyang post.

Hindi rin namin alam kung saan hahantong ito.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

AMALIA

KANYANG

LIEZL

ONE DIRECTION

SI LEE MIN HO

ZAYN MALIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with