^

Pang Movies

‘Wag na raw iboto ang celebrities MVP inendorso ni Sen. Miriam sa pagka-Pangulo!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagkita sa isang event sina Senator Miriam Santiago at Manny V. Pangilinan. Agad siyang inendorso ng senadora bilang Presidente sa susunod na election. Ayon pa sa reports, huwag daw bumoto ng celebrities ayon kay Sen. Miriam.

Tugon naman ng business tycoon, “I’m not a politician!”

Ilang buwan na lang at Oktubre na. Ito ang simula ng filing ng kakandidato sa 2016 presidential elections. Dahil medyo malayo pa, malay natin magbago ang pananaw ni MVP, huh!

Kim Idol nananawagan ng tulong, may namumuong dugo sa utak

Humingi ng tulong ang komedyanteng si Kim Idol na natuklasang merong namumuong dugo sa kanyang utak. Kailangan ng malaking pera para sa kanyang operasyon kaya inilabas niya ang panawagan niya sa kanyang Facebook account.

Magkakaroon ng fund raising ang mga kaibigan ni Kim upang makadagdag sa gagamitin na pera sa operasyon. Kahit wala na siya sa Klownz at Zirkoh Comedy Bar ay tinawagan pa rin niya ang co-hosts niya roon na maging bahagi ng benefit show.

Nawa’y malampasan ni Kim ang problema n­iyang ito. Magaling siyang writer at comedian and for sure, tutulong din sa kanya si Vice Ganda.

Kulang sa promo, Kid Kulafu nakikisabit lang sa kasikatan ni Pacman?

Nakiki-ride on ang pelikulang Kid Kulafu sa kasikatan ngayon ni Manny Pacquiao. ‘Yung nakita naming picture ng isang patpatin na Manny nu’ng hindi pa siya nagtagumpay sa boxing ay naglabasan sa social media.

Ang alam namin, isa sa nagbalak sumali sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang movie. Hindi nga lang ito napili.

Heto at nabalitaan naming malapit ng ipalabas ang movie. Komo nga walang nakaalam na ­sho­w­ing na ito, huwag ­silang magtaka kung hindi rin ito pumasok sa kamalayan ng tao, huh!

vuukle comment

AYON

KID KULAFU

KIM IDOL

MANNY V

METRO MANILA FILM FESTIVAL

SENATOR MIRIAM SANTIAGO

VICE GANDA

ZIRKOH COMEDY BAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with