^

Pang Movies

Jennylyn mararamdaman kung paano manghusga

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ikinakatuwa ni Jennylyn Mercado na naimbitahan siya para maging isa sa judges ng muling pagbabalik ng original reality artista-search ng GMA-7 na StarStruck.

Magse-celebrate ng ika-10th anniversary ang StarStruck at si Jennylyn nga ang kauna-unahang female survivor ng naturang contest with Mark Herras as the male survivor.

Masasabing si Jennylyn ang pinaka-successful na female winner ng StarStruck. Ang ibang winners na sina Ryza Cenon, Jackie Rice, Jewel Mische, Kris Bernal, at Sarah Lahbati ay hindi narating ang kalahati ng naging success ni Jennylyn sa showbiz.

“I feel blessed na kinuha nila akong maging judge ng bagong StarStruck. Mararamdam ko naman this time kung paano i-judge ang mga baguhan na gustong sumunod sa yapak naming mga dumaan sa StarStruck,” sey pa ni Jen.

Kahit na nabuntis at naging isang unwed mother si Jennylyn sa edad na 21 at the height of her career, hindi iyon nakasira sa kanya dahil mas sinuportahan pa siya ng kanyang fans.

Ten years after niyang manalo, isang award-winning actress na si Jennylyn for English Only, Please; a singer na naging hit ang unang abum; naging host na ng ilang TV show tulad ng Sunday All Stars, Anak Ko Yan, Showbiz Central, Protégé, at Sarap with Family; at endorser ng ilang mga products.

Single pa rin si Jennylyn pero good friends naman siya sa kanyang mga na­ging ex-boyfriend tulad nina Mark Herras, Dennis Trillo, at Patrick Garcia. Si Luis Manzano lang daw ang hindi pa niya maituturing na friend pagkatapos nilang maghiwalay two years ago.

Celine Dion balik na sa pagkanta

Nagbabalik sa pag-perform sa Las Vegas ang multi-awarded platinum artist na si Celine Dion.

Muli itong nag-take up ng residency sa Las Vegas in August pagkatapos ng isang taong pamamahinga dahil sa naging kondisyon ng lalamunan niya. Sabay na inalagaan din ni Celine ang kanyang mister na si Rene Angelil na may sakit na cancer.

Kelan lang ay in-announce na ni Celine sa kanyang website ang muling pagbabalik niya sa Caesars Palace’s Colosseum.

Tatlong taon ngang nag-perform sa Las Vegas si Celine hanggang sa tumigil siya in 2014 dahil sa inflamed throat muscle.

vuukle comment

ANAK KO YAN

CAESARS PALACE

CELINE

CELINE DION

DENNIS TRILLO

ENGLISH ONLY

JENNYLYN

LAS VEGAS

MARK HERRAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with