^

Pang Movies

Derek Ramsay at Jasmine Curtis Smith, humarurot sa 2nd Vios Race Cup!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Naimbitahan ang Kapatid top hunk actor at ‘Extreme’ King na si Derek Ramsay at si TV5 princess and ‘Move It’ host Jasmine Curtis Smith na makilahok sa 2nd Vios Racing Cup na ginanap sa Clark International Speedway, Pampanga. Nakasama nila ang mga celebrities na sina Kylie Padilla, Sam YG, Joyce Pring, at Phoemela Barranda na naki-join din sa karera. Bukod kay Phoem at Sam YG na pangalawang beses nang sumali sa karera, lahat ng mga celebrities ay hindi marunong ng manual transmission at puro automatic lang ang idinadrive, kaya naman dagdag challenge na agad ito sa kanila. Bukod pa rito, malaki ang pagkakaiba ng driving on a straight line sa circuit racing kaya naman isang maling kilos lang ng nagmamaneho, maari talagang malagay sa peligro ang buhay ng mga kalahok.

Pero kakaiba ang hilig ni Kylie sa extreme sports dahil ang chika, mas lalo pa raw itong nag-eenjoy pag nakikita ang nag-gigitgitang mga sasakyan. 

Nanguna si Phoem sa qualifying round samantalang nag-tie naman sina Jasmine at Derek kung saan lamang lang si Jasmine ng 0.2 seconds.

Dikit naman ang naging laban ng bawat isa pagdating sa championship round.  

Mapapanood ang highlights ng 2nd Vios Race Cup sa ‘Extreme Series: Kaya Mo Ba ‘To?’ ngayong Miyerkules, 10:15 p.m. sa TV5.

 

vuukle comment

BUKOD

CLARK INTERNATIONAL SPEEDWAY

DEREK RAMSAY

EXTREME SERIES

JASMINE CURTIS SMITH

JOYCE PRING

KAYA MO BA

KYLIE PADILLA

MOVE IT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with