^

Pang Movies

James walang panahon sa lovelife, mas gustong matulog at mag-gym

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaki ang natutunan ni James Reid sa mga bashing na natanggap niya noon. Hindi raw kasi siya dapat na nagpu-post kapag galit ito. Kaya humihingi muli siya ng paumanhin sa mga nasagasaan niya. 

Si James ay abala sa mga trabaho niya at wala munang panahon sa lovelife. Sa tulog na lang daw niya ibinubuhos ang mga libreng oras niya pagkatapos ng trabaho.

Bukod sa tulog, madalas din daw siya sa gym. Araw-araw daw ay puno ng trabaho ang schedule niya. Kaya looking forward siya sa Holy Week break.

Jopay mabilis naka-move on sa pagkalaglag ng anak

Kailan lang napabalita ang miscarriage ni Mariel Padilla at sumunod naman si Jopay Paguia na asawa ni Joshua Zamora. Ilang araw din daw dinugo si Jopay kaya dinala siya sa ER ng isang ospital. After ilang araw ay nagpa-ultrasound daw ito at dun nakita na wala na ‘yung batang dinadala niya. Prior to this ay may nararamdaman na si Jopay na hindi kadalasang maramdaman ng nagbubuntis. Kaya siguro raw ay meant na hindi mailabas ang bata o baka hindi ito normal kung mabubuhay man.

Sabi ni Jopay ay may reason kung bakit nangyari at ang nasa itaas ang mas nakakaalam dito.

Kaya hindi nila ipinagdamdam ang pagkawala ng bata at positive ang attitude nila sa bagay na ito.

Sabagay, bata pa naman sila at marami pang darating na chance sa dalawa. Ito sana ang magiging panganay nila. Huli namin napanood ang dalawa noong Sabado sa Celebrity Bluff ng GMA-7.

Mga trophy ni Nora wala na raw talagang paglagyan

Nagulat kami sa nakita namin sa mga pahayagan sa pagsama ni Ms. Nora Aunor sa rally ng mga migrante at OFW para pababain sa puwesto ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na si P-Noy. Kailan lang ay nagpahayag sina Kris Aquino at Boy Abunda sa Aquino & Abunda Tonight na tutulong siya sa pagpapagamot sa nasirang boses ng Superstar. Kaya papaano na ngayon? Mukhang hindi na ito matutuloy.

Bukod sa panawagan nila ay ginugunita nina Ate Guy ang death anniversary ni Flor Contemplacion na binitay noon sa Singapore. Ang pagsama ni Ate Guy sa rally ay ‘di dahil sa hindi paggagawad sa kanya ng National Artist award.

Hindi raw importante sa kanya ‘yun at marami na ang pagkilala sa husay niya.

‘Di ba sabi ng apo niya kay Matet de Leon, wala nang paglagyan ang mga sunud-sunod na trophy na dumadating sa Superstar.

Ayon pa kay Ate Guy, hindi lang siya ang nagpapababa sa Pangulo kundi ang maraming tao mula sa iba’t ibang sektor.

Gabbi ayaw ma-identify na kaibigan ni Julia

Sa hitsura pa lang ay very charming at friendly naman talaga itong si Gabbi Garcia. Biruin mo, kaibigan niya pala sina Julia Barretto at Kathryn Bernardo. Hindi sagabal ang magkaibang network ang pinaglilingkuran nila.

Hindi lang magkaibigan kundi magkaklase pa ang Kapuso teen star at Julia Barretto. Madalas silang nakikitang magkasama sa mga feed nila sa social networking sites kaya hindi na rin kataka-takang kasama ang InstaDad star sa mga inimbitahan ni Julia sa kanyang debut. Siyempre, andun din ang iba pang malalapit na kaibigan ni Julia gaya ni Kathryn na ikinagulat ng lahat.

Kuwento ni Gabbi, leading lady ng soon-to-air primetime series na Let the Love Begin, childhood friends sila dahil magkasama silang nag-model noon para sa isang clothing line at sobrang saya niya dahil magkakasama na naman sila sa pag-eendorse ng isa uling clothing line.

                                                                  

vuukle comment

ATE GUY

JOPAY

JULIA

JULIA BARRETTO

KAYA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with