^

Pang Movies

TV host nagpaluwal pa para lang matigil ang emote, female celeb na nagde-demand ng kaliwaan na TF

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi napigilan ng female celebrity na ito ang kanyang pagtalak sa loob ng studio pagkatapos ng kanyang guesting sa isang TV show dahil gusto niya ay agad na ibigay ang kanyang talent fee.

Nagulat na lang daw ang mga tao sa studio dahil sa malakas na boses ng female celebrity na nagde-demand na ibigay na ang kanyang talent fee dahil kailangan niya ng datung sa araw na iyon.

Nalokah lang ang talent coordinator na kumausap sa female celebrity dahil maayos ang pag-uusap nila na hindi puwedeng kaliwaan ang talent fee na hiniling niya.

Kapag mataas sa usual na talent fee na bigay ng show ay ginagawa na itong tseke at may araw kung puwede itong ma-pick up.

Pero super deny ang female starlet dahil wala raw silang pinag-usapan na gano’n. Ang alam lang daw niyang naging usapan nila ay kaliwaan ang bigay ng talent fee dahil may bayarin daw siya sa araw na iyon.

Hindi nga raw umalis ang female celebrity sa dressing room hanggang hindi niya nakukuha ang kanyang talent fee in cash. Isang bagay na naging malaking abala dahil may darating na ibang guest at gagamitin ang dressing room.

Para lang hindi na humaba ang gulo at matapos na ang issue nila sa female celebrity, nagpaluwal na lang ang host ng TV show para mabayaran ito.

Hiyang-hiya ang production staff sa inasal ng female celebrity at pati ang host nila ay naabala pa’t naglabas ng pera.

Pero ang female celebrity, hindi man lang daw nahiya at talagang tinanggap ang bigay na pera ng TV host.

Rason ng TV host ay hindi raw matatapos ang issue kaya bayaran na lang daw para matapos na. Tutal ibabalik naman daw sa kanya iyon ng production sa darating na suweldo.

‘Yun nga lang, request ng TV host na huwag na itong gawing guest sa kanilang show.

vuukle comment

CELEBRITY

DAHIL

DAW

FEE

FEMALE

HIYANG

LANG

PERO

TALENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with