^

Pang Movies

Marian emote na emote sa harap ni Gloria Romero

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Relate na relate si Marian Rivera-Dantes nang mag-first taping day siya ng The Rich Man’s Dau­gh­ter (TRMD) dahil ang kaeksena niya ay ang tinaguriang Queen of Philippine Movies, ang mahusay na aktres na si Ms. Gloria Romero. First time lamang ni Marian na makatrabaho ang actress kaya tuwang-tuwa ito. Gumaganap na lola ni Jade (Marian) si Tita Gloria, kaya naman bigay na bigay ang emosyon ni Marian sa kanilang heart warming scene. Laki kasi sa lola si Marian at halos magkasing-edad ang lola Iska niya at si Tita Gloria, kaya feeling niya magagamit niya ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang lola sa mga eksena.

Sa direksyon ni Dominic Zapata, mapapanood na ang TRMD sa first week of May.

Alex ipinagpalit daw ni Sid sa isang aktres din

Ayaw na talagang makialam ni Gabby Eigenmann sa love affairs ng mga kapatid niya. Noong presscon ng InstaDAD, isa rin sa itinanong sa kanya, bukod kay Andi, at ang balitang break na ang kapatid na si Sid Lucero at si Alessandra de Rossi. Totoo bang may third party sa break-up ng dalawa at isa raw actress din ang sinasabing third party?

Ayon kay Gabby, hayaan na raw lamang sina Sid at Alex ang sumagot kung totoo ang balita. Pero inamin niyang gusto niya si Alex para kay Sid. Kung hindi raw sila ang para sa isa’t isa, hayaan na lamang sa kanila manggaling ang sagot. Mas gusto raw niyang pag-usapan ang bago niyang romantic-comedy family series every Sunday sa GMA-7, pagkatapos ng Sunday All Stars next month.

Rocco tandang-tanda ang unang pagkikita nila ni Lovi

Umamin sina Lovi Poe at Rocco Nacino tungkol sa kanilang relasyon pero never nilang sinabi kung kailan nagsimula iyon. But now na open na open na sa kanilang relasyon ang dalawa, nakapagkuwetno na si Rocco na they will celebrate their first anniversary next month at gusto nilang i-celebrate iyon sa Palawan.

“Doon kasi kami unang nagkatrabaho ni Lovi at naging memorable iyon sa aming dalawa,” kuwento ni Rocco. “Kaya gusto naming balikan iyong lugar na ilang araw din kaming nag-stay habang nagti-taping ng Mistaken Identiy na gumaganap na journalist si Lovi at ako naman ay napagkamalan niyang isang royal blood ng isang angkan doon, si Sinag. Natatandaan ko na hindi kami mas­yadong nag-uusap noon ni Lovi papunta sa location at pabalik ng Manila. Siyempre, nahihiya ako sa kanya dahil Lovi Poe na siya, ako naman kapapanalo ko pa lamang bilang second prince ng StarStruck 5.”

Pero pagkatapos ng first series nila, nasundan pa iyon ng marami pang projects sa GMA-7, naging close sila at hindi man nila inamin agad na may relasyon sila nang magbakasyon sila sa Europe last year. Naging formal daw lamang iyon nang sagutin siya ni Lovi while they were in Eiffel Tower in Paris.

vuukle comment

ALEX

DOMINIC ZAPATA

EIFFEL TOWER

LOVI

LOVI POE

ROCCO

SID

TITA GLORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with