^

Pang Movies

Julius mamumundok para tu-lungan ang inang may sakit sa isip

Pang-masa

MANILA, Philippines – Maglalakbay si Julius Babao papuntang Subic, Zambales sa Lunes (Marso 16) hindi para magbakas­yon kundi para sa panibagong kaso ng Mission Possible.

Nakipagtanan si “Nenita” noong 17 taong gulang pa lamang ito at nawalay sa mga magulang. Makalipas ang sampung taon, siya’y nagbalik ngunit may bitbit na siyang anak.

Napansin ng mga magulang ni Nenita na para siyang bata kung kumilos at magsalita, pero ang mas ikina-alarma nila ang pagiging agresibo at bayolente ng anak. Wala silang nagawa kundi patirahin si Nenita sa bundok para hindi siya maging perwisyo sa iba.

Sinubukan din nilang ipadala ang nabaliw na anak sa isang mental hospital sa Bataan nung 2013 na nagtagal lamang ng dalawang buwan at walang ipinagbago. Ibinalik lang din si Nenita sa kanyang tahanan sa bundok.

Apatnapu’t tatlong taon na si Nenita at halos 18 na taon na niyang hindi nabibigyan ng pag-aaruga ang mga anak. Maisasalba pa ba ni Julius ang pamilya ni Nenita?

Tunghayan sa Mission Possible sa Lunes (Marso 16), 4:30 ng hapon sa ABS-CBN.

vuukle comment

APATNAPU

IBINALIK

JULIUS BABAO

MAGLALAKBAY

MAISASALBA

MAKALIPAS

MARSO

MISSION POSSIBLE

NENITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with