^

Pang Movies

JayR nagwo-worry na magbihis at magboses babae!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Excited na si JayR sa pagsabak sa bagong palabas ng Kapamilya Network na Your Face Sounds Familiar kung saan isa siya sa kasaling celebrity performers na magsisimula na sa March 14, Sabado.

Pinanood at pinag-aralan ng RnB singer sa Youtube ang Your Face Sounds Familiar edition ng ibang bansa kaya lalo siyang na-challenge sa nasabing bagong show ng ABS-CBN.

Ready na si JayR sa kanyang performance sa Saturday at ang una niyang gagayahin ay isang  rock icon.

Kahit sabihin pang performer na siya ay may kaba pa rin si JayR dahil kailangan niyang gayahin ang boses at itsura nang na-assign na icon sa kanya.

Worry lang si JayR kapag babaeng icon ang na-assign sa kanya. Takot nga naman ang singer dahil mapipilitan siyang magbihis at magboses babae rin.

Nangako siyang ibibigay pa rin daw niya ang best niya kahit babaing icon ang i-impersonate dahil hindi lang basta boses ang kailangan nilang gayahin, pati hitsura kailangang makamukha nila.

Ang Stairway Foundation naman ang napiling tulungan ni JayR. Nabasa raw niya kasi sa online na tumutulong ang foundation sa street kids at nagbibigay ng scholarship sa mga kabataan.

Samantala, masaya si JayR na kasama na niyang muli ang RnB Princess na si Kyla sa ABS-CBN.

Gusto rin ni JayR na matupad ang plano nila ni Kyla na magsama sila sa isang concert. Schedule na lang daw nila ang inaayos.

Kasama rin si Kyla sa new album ni JayR titled  Elevated sa single nitong You Are Not Alone na release ng Homeworkz production din ni JayR.

vuukle comment

ANG STAIRWAY FOUNDATION

HOMEWORKZ

JAYR

KAHIT

KAPAMILYA NETWORK

KASAMA

KYLA

NABASA

YOU ARE NOT ALONE

YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with