^

Pang Movies

Asawa ni George Clooney pinag-interesang makita ng mga Pinoy

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi makikialam ang Malacañang Palace sa panghihimasok ni Amal Alamuddin Clooney sa plunder case ni ex-President Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang sey ng Malacañang, ginagawa lamang ng misis ni George Clooney ang trabaho nito bilang international law expert.

Hinihingi ni Amal ang intervention ng United Nations Human Rights Committee para magkaroon ng temporary freedom si Mama Glo at makapagpagamot ito sa ibang bansa.

Sikat na abogada si Amal kaya gumawa ng malaking ingay ang pagtulong niya kay Mama Glo.

Bukod sa lawyer at pagiging asawa ni Cloo­ney, hinahangaan si Amal dahil sa pananamit nito.

Dedma ang mga baklita sa pakikialam ni Amal sa kaso ni Mama Glo dahil mas type nila na bumisita siya sa Pilipinas at makita nang personal.

Kilala sa buong mundo si Amal na lalong magiging popular dahil sa koneksyon niya kay Mama Glo na matagal-tagal na rin pala na naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center.

Sharon tamad mag-exercise

More than 40-pounds pala ang nabawas sa timbang ni Sharon Cuneta at kailangan pa niya na magbawas ng 15-pounds para ma-achieve ang kanyang ideal weight.

Hindi madali kay Sharon ang magpapayat dahil hindi pala siya mahilig mag-exercise. Nabigo nga raw si Judy Ann Santos na yayain siya na mag-exercise pero masipag si Sharon na gumamit ng treadmill.

Hindi naman idine-deny ni Sharon na tumaba ito dahil kain siya nang kain noong hindi siya active showbiz. Ngayong mapapanood na uli si Sharon sa ABS-CBN, may reason na para magtuluy-tuloy ang kanyang pagpapapayat.

Open si Sharon sa idea na gumawa ng tele­serye sa ABS-CBN.

Naranasan na niya na magkaroon ng teleserye sa TV5 pero comedy ito at hindi drama.

Welcome kay Sharon na magsama sila ni KC Concepcion sa isang drama series pero hindi pa ngayon. Payag din siya na makatambal sa mga teleserye ang kanyang mga ex-dyowa at ex-boyfriend.

Winwyn tinutulungang manalo ng mga kaibigan

Tinutulungan si Winwyn Marquez ng kanyang mga kaibigan na artista para magkaroon siya ng special award sa Bb. Pilipinas 2015.

Malaki ang chance na manalo ng special award si Winwyn dahil masipag mangampanya ang kanyang celebrity friends.

Pinipili kasi ang winner ng special award sa pamamagitan ng text votes .

Isa si Winwyn sa mga kandidata ng Bb. Pilipinas 2015 na hinuhulaan na magkakaroon ng beauty title sa coronation night na mangyayari sa March 15 sa Smart Araneta Coliseum.

Full support ang ibinibigay kay Winwyn ng kanyang mga kaibigan at pamilya. Sa laki ng Marquez clan, sure nang marami ang papalakpak at magbibigay kay Winwyn ng moral support.

vuukle comment

AMAL ALAMUDDIN CLOONEY

GEORGE CLOONEY

JUDY ANN SANTOS

MAMA GLO

PILIPINAS

SHARON

WINWYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with