^

Pang Movies

Karla nakatungtong pa rin sa lupa ang mga paa kahit milyonarya na

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Magandang magdala ng suwerte si Karla Estrada. Hindi siya nalulunod sa tagumpay ng anak na si Daniel Padilla. Napakikinabangan na rin niya ang talent sa pagkanta sa TV show na Your Face Sounds Fami­liar. May ibang artista kasi na makahawak lang ng three thousand, nakakalimutan na ang mga dating kakilala.

Nakakasama na namin noong araw pa si Karla sa mga out of town shows tulad sa Calapan, Mindoro; Baler, Quezon; Nueva Ecija, at Bulacan.

Sinuwerte si Karla dahil matulungin ito. Isa siya sa mga artistang unang tumulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Taga-roon kasi si Karla at may mga lupain sa nasabing lugar.

Milyonarya na siya ngayon pero nakatuntong pa din sa lupa.

Sabrina nagkaproblema sa paghalik kay Miguel?!

Nasaan na ba ang character ng bagets na si Sabrina Man sa Once Upon a Kiss? Anak siya rito ni Maricar de Mesa, kaso pasama-sama lang kay Mylene Dizon. Hindi malinaw sa istorya kung ano nangyayari kay Sabrina at bigla na lang nawala. Minsang hinalikan lang niya si Miguel Tanfelix ay parang na out-cast na siya sa istorya. “Nagkaproblema kaya sila sa halikang ‘yon?” Paulit-ulit na tanong tuloy ng mga fans ni Sabrina.

TV produ talo sa gastos dahil sa kaartehan ng cast ng serye

Dapat daw mag-quit na lang ang mga artistang may attitude pagdating sa trabaho dahil marami ang napeperwisyo. Talo na ang TV producer ng teleseryeng umaarkila lang ng mga bahay na pinagkukunan nila dahil sa kaartehan ng mga artistang kasama sa serye. Bakit kaya may mga artista na naghahanap ng project at kapag nahanapan ay panay naman ng reklamo kapag binigyan ng petsa ng trabaho?

Sabi nga ng isang staff ng catering, bakit hindi pa tsugihin na lang ang role nito sa istorya. Oo nga naman, good suggestion. Tutal naman maraming naghahanap ng project ngayon.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KARLA

KARLA ESTRADA

LANG

MIGUEL TANFELIX

MYLENE DIZON

NUEVA ECIJA

ONCE UPON

SABRINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with