^

Pang Movies

Dumayo pa sa Amerika young actress pinadagdagan ng boobs ng ina na nainggit at nagpalaki rin!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakaaliw ang kuwento ng mag-ina nang magkasama silang pumunta sa States. Sikat at maganda ang anak na artista ng ina. ‘Yun nga lang, kulang sa appeal.

Eh, para lumutang ang appeal, naisipan ng ina na gawing katakam-takam ang boobs ng anak. Siyempre nga naman, kapag naging mabenta ang anak dahil sa kaseksihan, kikita rin siya, huh!

So habang nasa Tate, nagtanung-tanong daw ang ina sa mga kaibigan doon sa kilalang puwedeng mag-opera sa boobs ng anak na hindi masyadong halata pagbalik nila ng Maynila. Komo nga marami doon, may nakita naman siyang doctor at nagkasundo.

Nang matapos daw ang operasyon sa boobs ng anak, aba, tuwang-tuwa ang ina dahil saktung-sakto ‘yon sa mukha at katawan ng anak. Kaso, nainggit ang ina sa boobs ng anak, huh!

Kaya naman nagpaayos din ng boobs ang ina upang maging kaakit-akit din ang appeal niya kahit hindi naman siya masyadong kagandahan, huh!

Hindi ako bakla - Betong

Nasasaktan din ang komedyante na si Betong Sumaya kapag may tsismis siyang naririnig na ba­ding. Madalas din kasi siyang ma-typecast sa Bubble Gang at ibang shows ng GMA na babae, kaya hindi nawawala ang tsismis sa pagkalalaki niya.

“Eh, kilala ko naman po ang sarili ko kaya hindi ko na lang…Pero minsan kasi ‘yung iba, naniniwala eh. So kahit ano ang sabihin ko, hindi naman nila ako kilala,” katwiran ni Betong sa pocket interview nila ni Sef Cadayona sa show nilang Sabado-Badoo na sa March 14 ang simula.

May nililigawan naman daw siyang non-showbiz. ‘Yun nga lang, “Hindi po ako makapasa eh! Ayaw nila sa akin! ‘Pag nakikita nila ako, hindi raw ako mukhang artista! Ha! Ha! Ha!”

Sa Kapuso actress, si Marian Rivera ang biggest crush niya although nu’ng high school, ang aktres na si Patricia Javier ang naging malapit sa kanya.

Anyway, sa bagong show nila ni Sef, tumaas na ang level ni Betong hindi lang bilang komed­yante kundi pati ang maging host din.

“Marami kaming nag-audition. Nu’ng first call, siyempre, ibibigay mo ang lahat. Eh, nu’ng second call, kami na ni Sef ang mag-partner. Eh, nag-buckle pa ako kaya sabi ko, hindi ko na makukuha ito. Eh, ‘yun pala, kami ang nakuha. So sobrang laking blessing nito at hindi ko inasahan na mabibigyan ako ng isang chance,” chika pa ng komedyante.

Bale pang-apat na show na ni Betong ang Sabado-Badoo. Fifteen minutes nga lang ito mapapanood sa ere.

Si Betong ang winner ng isang season ng Survivor Philippines. Sa panalo niyang milyon, una muna niyang binayaran ang mga utang sa banko para makapag-loan siya sa banko. Ngayon ay may sarili na siyang condo na binabayaran at nag-iipon para makabili ng sasakyan.

Bakit kaya marami siyang shows?

“Mura po kasi ako! Very affordable! Ha! Ha! Ha!” rason na biro ni Betong.

Karla at Melai may patalbugan agad sa YFSF!

Walong celebrities ang magpapahusayan sa paggaya ng mga music icons sa bagong variety show ng Kapamilya Network na Your Face Sounds Familiar.  Hindi pa man nagsisimula ang programa, nakawan na ng eksena ang mga celebs na kasama gaya nina Melai Cantiveros at Karla Estrada, huh!

Bukod kina Melai at Karla, ang ilan pang performers sa show ay sina Nyoy Volante, Tootie Karingal, Maxene Magalona, Jolina Magdangal, Jay-R, at Edgar Allan Guzman, huh!

 Ayon kay Lui Andrada na in charge sa show, merong nag-audition at meron namang handpicked sa walong celebrities.  Sa regular run nito, wala munang text votes na bibilangin. Kapag napili na ang apat na grand finalists at saka magkakaroon ng text votes.

Siyempre pa, komo ina ni Daniel Padilla, inaasahan na ang pagiging lamang ni Karla, huh! Pero ayaw isipin ng aktres ‘yung suporta ng fans ng anak kundi ‘yung talent na kanyang ipapakita sa programa ngayong aktibo siyang muli sa telebisyon.

Unang sumubok sa The Voice si Karla pero hindi siya pinalad. Ngayon sa YFSF, hindi na niya kailangang mag-audition pa para ipamalas ang pagiging rock singer niya!                                    

vuukle comment

AKO

ANAK

BETONG

BETONG SUMAYA

INA

KARLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with