^

Pang Movies

Sunshine bawal munang mabuntis ng limang taon

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Enjoy nga si Sunshine Dizon sa kanyang dalawang anak at nasa plano nga nila ng kanyang mister na si Timothy Tan na magkaroon sila ng ikatlong anak pa.

Pero sey ni Shine na matatagalan pa dahil parehong ipinanganak niya ang dalawang anak nila via caesarean section. Kaya payo ng doctor niya na pagkalipas pa ng five years nila planuhin ang magkaroon ulit ng isa pang anak.

“Habang kaya ko pa, gusto namin na magkaroon pa ng isa. Pero susundin namin ang payo ng doktor.

“Halos magkasunod lang ‘yung dalawa kasi. Tsaka gusto naming ma-enjoy ni Tim ang dalawang bata. Mahirap din ‘yung biglang may bago na naman.

“Plus may kontrata ako with GMA-7. Kung mabuntis ako, titigil na naman ako sa pagtrabaho. Nakakahiya naman na iyon dahil napagbigyan na ako before dahil two years akong magkasunod na nabuntis.

“So matagal pa bago ako magbuntis ulit,” pagtatapos pa ni Sunshine Dizon na sampung taon ang nakalipas bago uli nakatrabaho si Dingdong Dantes sa Pari Koy.

Jillian ‘di pa nakakahawak ng sariling cell phone

Hindi pa pinapayagan ang Kapuso child star na si Jillian Ward ng kanyang magulang na magkaroon ng sariling cell phone.

Ten years old pa lang daw kasi siya at papayagan lang siyang magkaroon ng cell phone kapag 13 years old na siya.

“Ayaw pa po akong bigyan ni papa ng sarili kong cell phone.

“Hindi pa raw ako ready kasi baka mawala ko lang daw po at baka magsayang ako ng oras na maglaro ng games.

“Kapag nag-thirteen na lang daw po ako puwedeng magkaroon ng sarili kong cell phone.

“By that time daw po ay alam ko nang maging responsible sa mga gamit ko,” sey pa ni Jillian.

At kahit walang sariling cell phone, meron naman daw social media accounts si Jillian sa Facebook at Instagram.

“Para naman sa mga fans ko po ‘yung Facebook at Instagram. Para makita nila ‘yung mga ginagawa ko at i-follow po nila ako.

“Yung iPhone po ni papa ang ginagamit ko para makapag-post ako sa Instagram.

“Kung may gusto po akong tawagan or i-text, cell phone ni papa ang ginagamit ko,” sey pa niya.

Hindi rin pinapabayaan ni Jillian ang kanyang pag-aaral. Kasalukuyang nasa 3rd grade na si Jillian sa Montessori International School.

Very considerate daw ang school ni Jillian, lalo na sa mga tulad niyang may trabaho dahil may home study program ito.

“Kapag ganito po na sunud-sunod po ang trabaho, naka-home study po ako.

“Kailangan ko lang pong pumunta sa school ng twice or three times a week para sa mga assignment na ipapagawa nila.

“Kaya wala po akong na mi-miss na lessons at homework sa school kasi po nakakahabol naman ako.

“Enjoy po ako sa school kaya kapag maluwag po ang schedule ko, pumapasok po ako sa school talaga.

“Iba pa rin po ‘yung nasa classroom ka at kasama mo ang mga classmate  mo at sabay kayong nag-aaral,” pagtatapos pa ni Jillian na kasama sa GMA teleserye na Pari ‘Koy.

Hilary Duff hindi naniniwala sa forever?!

Nagsalita na ang da­ting teen star ng The Lizzie Maguire Show na si Hilary Duff tungkol sa kanyang divorce sa mister na si Mike Comrie.

Sa April 2015 issue ng Cosmopolitan kung saan si Hilary ang cover girl, naging open na ito sa pagkuwento kung bakit siya nag-file ng divorce sa kanyang hockey player husband.

“Mike and I were very in love when we met. We both really wanted to get married. I’d been working since the age of 11 or 12, so making that choice at a young age seemed right for me.

“Maybe it wasn’t, but we spent the majority of our time together really happy. It wasn’t working well enough to stay together, but there was still a lot of love involved.

“It was just a slow set-in of us not being the match that we used to be. I’m lucky for the person he is and I am and how we decided to handle this.”

May 2-year-old son ang estranged couple, at ito ang nagpapatibay sa kalooban ni Hilary ngayon.

“I don’t want to sound bitter because I’m definitely not, but I don’t know if people are meant to be together forever.

“Things happen over a long relationship that you can’t always fight. A marriage of 20 years, the accomplishment of that must feel really great, but there are also huge sacrifices. I just always want to fight for happiness.”

vuukle comment

AKO

CELL

DINGDONG DANTES

FACEBOOK

HILARY DUFF

INSTAGRAM

JILLIAN

SUNSHINE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with