^

Pang Movies

Juancho ayaw matengga sa iisang role

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi nakasama si Juancho Trivino sa InstaDAD taping sa Baguio City in time for the Panabenga Festival. Nasa Caramoan, Camarines Sur sa Bicol kasi si Juancho kung saan kinukunan ang summer episode ng Bubble Gang na isa pa niyang programa sa GMA-7.
Sasabak muli sa light family drama series ang Kapuso teen actor sa pinakabagong programa ng GMA-7 na InstaDAD. Dito ay gagampanan ni Juancho ang role ni Dwight, ang mabait at mapagmahal na boyfriend ni Mayumi (Ash Ortega). Masaya si Juancho dahil muli niyang makakatambal si Ash sa InstaDAD matapos nilang magkatrabaho sa My Destiny.

Malaki ang tiwala ng management ng GMA-7 na may malaking future sa propesyong tinatahak niya. Mabait na bata itong si Juancho at kaya madali niyang nakasundo ang mga cast ng Bubble Gang sa pangunguna ni Michael V at Rufa Mae Quinto.

Bukod diyan ay balik sa pag-aaral muli ang Kapuso Actor.

Sa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario, mapapanood ang InstaDAD simula Marso 22 pagkatapos ng Sunday All Stars.

Bubble Gang nagpakasarap sa CamSur

Nakabalik na sa Manila ang cast and crew ng Bubble Gang after four days of summer special taping nila Caramoan sa Bicol. Sa mga pictures na nakita namin ay nag-enjoy ang lahat courtesy of CamSur Governor Migz Villafuerte na siyang nag-asikaso sa kanila. Kaya balik sa normal ang buhay nila. Tuloy ang trabaho sa studio ng Kapuso Network.

Bea at Jake ‘nagdi-date’ pa rin kahit hiwalay na

Alam na ng lahat kung ano ang rason ng break-up nina Bea Binene at Jake Vargas. Sa mga naglabasang isyu ay may third party sa naputol na relasyon. Gayun pa man ay propesyonal ang dalawa at puwede silang magsama pa rin sa isang project. Gaya sa Sabado ng gabi, mapapanood ang dalawa sa Pepito Manaloto kung saan magkakasama ang dalawa sa Hot Air Balloon na kinunan sa Clark Pampanga during the Hot Air Balloon Festival.

vuukle comment

ASH ORTEGA

BAGUIO CITY

BEA BINENE

BICOL

BUBBLE GANG

CAMARINES SUR

CLARK PAMPANGA

GOVERNOR MIGZ VILLAFUERTE

HOT AIR BALLOON

JUANCHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with