^

Pang Movies

Dingdong galit sa ginawa ni Direk Erik Matti

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa presscon ng Pari ‘Koy, ang bagong teleserye ni Dingdong Dantes na magsisimula sa Lunes, March 9, naitanong kay Dong ang tungkol sa mga problemang kinahaharap ng Pangulong Noynoy Aquino. Si Dingdong kasi ay supporter ni P-Noy. Sabi ng aktor naintindihan naman daw niya ang sentinmenyento ng mga tao.

Alam naman ng lahat na co-terminus ng administrasyon ni P-Noy ang kung anumang appointment na iginawad ng Malacañang sa actor. Gayun pa man ay tuloy pa rin ang advocacy niya na makatulong sa mga kabataan sa pamamagitan ng kanyang itinatag na YES Pinoy Foundation na matagal na niyang sinimulan. Matapos man ang administrasyon ni P-Noy ay tuloy ito.

Halatang nasaktan si Dingdong na nawala sa kanya ang movie project na ginagawa ngayon ni John Lloyd Cruz na dinidirek ni Erik Matti.  Leksiyon daw sa actor na kilalaning mabuti ang mga taong nakaka-deal niya. Hindi pala alam ni Dingdong na iba na ang gumagawa ng proyekto na dapat ay sa kanya.

JC magko-concentrate na sa pag-arte

Naka-tsikahan namin uli ang laging nakangiti pero walang masabi na si JC Tiuseco. Kasama sa cast ng Pari ‘Koy si JC bilang kapatid ni Sunshine Dizon at hari ng mga tambay. May pagka-brusko ang role niya sa serye. Dati siyang napapanood sa The Half Sisters bilang confidante ni Jomari Yllana. Sa tagal ng panahon na nawala sila sa eksena ay itinuloy na ang pagkatsugi niya rito. Kaya naisama siya sa bagong teleserye.

Si JC ay nasa pangangalaga ni Popoy Caretativo na dati ay si Jonas Gaffud. Wala naman silang isyu ni Jonas at ang isa sa rason kung bakit niya iniwan ito ay dahil mas focused ang dating manager sa mga beauty queen at models.

Andre huli ang kiliti ng fans

Natuwa naman ang production staff and crew ng The Half Sisters sa magandang response na nakuha nila sa mga taong nanood sa SM Baguio noong Sabado. Kasama rin ang cast ng Kailan Ba Tama ang Mali? sa nagbigay aliw sa mga taga-Baguio at mga umakyat dito para makipagdiwang ng annual Panabenga Festival.

Nagulat si Ali Nocum-Dedicatoria, PM (production manager) ng dalawang teleserye kung paano magpakilig ni Andre Paras. Alam na alam daw ni Andre ang kiliti ng fans at tagumpay niyang napasaya ang mga ito.

vuukle comment

ALAM

ALI NOCUM-DEDICATORIA

ANDRE PARAS

DINGDONG DANTES

ERIK MATTI

HALF SISTERS

JOHN LLOYD CRUZ

JOMARI YLLANA

P-NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with