^

Pang Movies

YouTube sensation na si Jam halos malagutan na ng hininga pero ginagamit pa sa social media

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Tigilan na sana ‘yung pagpapalabas sa social media ni Jam Sebastian, ‘yung You Tube sensation na kasalukuyang nasa ospital pa rin dahil sa lung cancer! Nakakaawa kasi ‘yung tao na naka-life support na dahil sa sakit and yet, kumakalat sa social media ‘yung hirap na hirap siya, huh! Kahit umabot sa mahigit na P1.5M ang views sa nasabing video, hindi namin natagalan na panoorin ‘yon!

Binisita nga ni Kris Aquino si Jam habang nasa ospital.  Hindi nga lang nakaligtas si Kris sa paglabas sa social media nang pagbisita niya sa binatang may sakit.

Hindi naman porke naging sensation sa You Tube ay pati paglagot ng hininga ay ibi-video rin at ilalagay sa nasabing web site, huh! Huwag naman tayong ma­ging insensitive sa nararamdaman ng magulang, kapatid at girlfriend ni Jam. Hayaan nating maging normal ang paglagot ng hininga niya.

Let’s all be kind to Jam!

Ciara Sotto napaaga ang panganganak

Lalaki ang panganay na anak ni Ciara Sotto sa businessman na si Jojo Oconner.  In-announce ang panga­nganak ng singer-actress kahapon sa Eat Bulaga.

Foreign sounding kasi ang name ng bata kaya hindi agad namin natandaan.

Mukhang napaaga ang pangananak ni Ciara. March ang alam naming deli­very month niya nu’ng huli naming makausap.

Gayunpaman, lalaki na naman ang apo ni Tito Sen at Helen Gamboa. Panga­rap man niyang magkaroon ng babaeng apo, siguradong happy na rin ang senador dahil nakaraos nang maayos ang bunsong anak.

Pacman nag-record ng kanta para sa laban nila ni Mayweather

Spoiled si Manny Pacquiao sa laban nila ni Floyd Mayweather, Jr. sa May 2 sa Las Vegas, huh! Ima­gine, ni-record ni Manny ang kanta na Lalaban Ako Para sa Pilipino bago umalis para mag-training sa Amerika.

Eh ayon sa website ng GMA News, gagamitin daw ang kanta bilang theme song ng Pacquiao-Maywea­ther, Jr., fight, huh!

Anyway, isang magandang farewell game ang ibi­nigay kay Manny ng teammates niya sa Kia Philippines dahil sa panalo ng team nila last Wednesday sa isa sa top teams ng PBA, ang Talk & Text.

Child actress na sikat ngayon lang nagkayaya, nanay nagkukuripot sa anak na kumikita

Kinuhanan na raw ng ina ang isang child actress ng yaya. Dati ay todo tanggi ang ina na kunan ng yaya ang anak kahit na malaki na ang kinikita nito.

Eh, tutok naman ang ina sa anak. ‘Yun nga lang, may iba pang anak ang ina na inaasikaso rin niya. Kaya ipinauubaya niya kadalasan ang anak sa handler.

Kaso, nawala na ‘yung handler ng anak. Saka lang kumuha ng yaya para sa anak na para bang hirap na hirap pakawalan ang pera eh, deserving naman ng anak na magkaroon ng yaya, huh!

Eh, may bagong anak sa ibang lalaki ang ina kaya the more na magkaroon ng titingin sa kanyang anak at supervision na lang sa yaya ang gawin niya, huh!

 

                                                               

vuukle comment

ANAK

CIARA SOTTO

EAT BULAGA

FLOYD MAYWEATHER

HELEN GAMBOA

JAM SEBASTIAN

YOU TUBE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with