^

Pang Movies

Showing ng KathNiel movie, nasabay sa walang pasok

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Muling masusubukan ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (Kath­Niel) sa second movie nila together na Crazy Beau­tiful You na nabigyan ng PG (Parental Guidance) classification ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board). Nag-location ang movie sa Mt. Pinatubo sa Pampanga at nagkaroon ng chance ang KathNiel na makihalubilo sa mga Aeta doon dahil ang story ay umikot sa isang medical mission ni Ja­ckie (Kath) kung saan sinubaybayan siya ni Kiko (Daniel). 

Kasama rin nila sa movie sina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion. Ang ganda ng opening day nila today, walang classes ang mga students dahil sa 29th EDSA Revolution celebration. Mapapa­nood ang movie na idinirek ni Mae Cruz-Alviar in 178 cinemas nationwide.

 

Kaya hindi natetengga, Luis hindi reklamador

Maganda ang pasok ng 2015 kay Luis Alan­dy. Kahit guest role lamang siya sa primetime drama series na Second Chances with Jennylyn Mercado, hanggang ngayon ay isang question pa rin kung sino ang nakaaway ni Albert (Luis). At ngayon, first time niyang makakatambal ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa The Richman’s Daughter (tentative title) at tapos na sila nitong mag-look test.

Habang hinihintay ni Luis ang pagsisimula ng taping, may time muna siyang mag-shooting ng indie film na Mandirigma, isang military story by Arlyn dela Cruz. Unang napabalita na si Derek Ramsay ang bida, pero Luis doesn’t mind kung se­cond choice lamang siya.

Makakasama niya sina Alwyn Uytingco, Ping Medina, Victor Basa, at iba pang actor, kasama rin ang teen actor na si Buboy Villar.

 

Neil Ryan na-miss ang pagiging masama

Pumasok na pala ang cha­racter na ginagampanan ni Neil Ryan Sese na si Jacob sa The Half Sisters, ang top-rating af­ternoon prime ng GMA-7. Mula sa magkakasunod na mabait na character na ginampanan niya, balik siya sa pagi­ging kontrabida at tagisan sila sa acting nina Eula Valdez at Jomari Yllana.

Nabiro tuloy si Neil kung bakit kontrabida na naman siya, na-miss din daw niya ang pagiging masama sa mga ginagampanang character. 

 

Aicelle hahataw sa birthday concert

Mamayang gabi na ang first major concert ng GMA Artist Center’s power belter na si Aicelle Santos, kasabay ng kanyang birthday celebration sa Class A: Aicelle Santos in Concert sa Philippine Educational Theater Association (PETA) at 7:00 p.m. 

Very special guests ni Aicelle sina Regine Velasquez, Kyla, Gian Magdangal at si Ms. Celeste Legaspi na itinuturing ni Aicelle na founder ng teatro. Hihintayin ng mga manonood kung dadalo ang dalawa niyang kasama sa dating grupong La Diva na sina Jonalyn Viray at Maricris Garcia. For tickets, please contact PETA at 639175765400 or (02) 725-6244.

vuukle comment

AICELLE

AICELLE SANTOS

ALWYN UYTINGCO

ARTIST CENTER

BUBOY VILLAR

CLASS A

LUIS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with