^

Pang Movies

Aktor na gustong magbalik showbiz, girl na girl na ang aura

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Girl na girl ang itsura ng isang aktor na nanga­ngarap na magbalik-showbiz.

Lalong nagduda ang fans na may katotohanan ang tsismis na baklita ang aktor dahil wala nang nali-link sa kanya na mga babae mula nang mag-artista siya.

Nagmistulang girl ang aktor dahil nagpahaba siya ng buhok. Dati nang mukhang girlita ang aktor na lalong naging effeminate –looking dahil sa kanyang long hair.

 

Gian Magdangal hahataw sa concert ni Aicelle

Tonight ang concert ni Aicelle Santos sa PETA Theater at inaabangan ng kanyang fans ang duet nila ni Gian Magdangal, ang ex-dyowa ni Sheree na matagal nang nali-link sa kanya.

Consistent sa pagde-deny si Aicelle pero naka­taas lang ang kilay ng mga reporter na ayaw maniwala na wala silang special relationship ni Gian na umuwi pa mula sa Hong Kong para umapir sa kanyang concert.

Kumikislap din ang mga mata ni Aicelle kapag nababanggit ang name ni Gian.

Si Aicelle ang pinagbibintangan na ugat ng pag­hihiwalay nina Gian at Sheree. Idinenay din ni Aicelle ang tsismis pero inamin niya na pinagselosan siya noon ng ex-dyowa ni Gian.

 

Crazy beautiful huhusgahan na!

Opening day ngayon sa mga sinehan ng Crazy Beautiful You.

Kasama si Lorna Tolentino sa cast  kaya hinihiling ko sa kanyang followers na suportahan ang pelikula na nagtatampok din kay Gabby Concepcion at sa loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

 

Gown ni Jennifer Lopez sa oscars may ‘kapatid

Nakakaloka ang identical gowns nina Jennifer Lopez at Luciana Duvall sa Oscar Awards.

Parehung-pareho ang design ng kanilang mga damit at dahil mas sikat si Jennifer, siya ang idineklara na best-dressed, hindi si Duvall.

Hindi sinasadya na halos magkatulad ang mga gown nina Jennifer at Luciana dahil magkaiba ang mga designer na nagpasuot sa kanila ng damit.

Hindi naiiwasan ang mga ganyan na insidente. Last year, may dalawang aktres na parehong-pareho ang mga suot na gown sa isang showbiz event.

Magkaiba lang ang kulay ng kanilang mga damit pero parehong gawa ito ng isang designer. Ang mga stylist ng mga aktres ang may kasalanan dahil sila ang nanghiram ng mga gown mula sa designer na hindi rin nagtanong kung para saan gagamitin ang mga ipinahiram na damit.

 

Lady Gaga six months naghanda, naiyak sa backstage ng Oscars

May hang over pa ang mga baklita sa perfor­mance ni Lady Gaga sa Oscar Awards.

Hindi nila akalain na may karapatan si Lady Gaga na i-revive ang mga hit song ni Julie Andrews.

Ang tsismis, napaiyak si Lady Gaga sa backstage pagkatapos ng kanyang production number dahil malaking karangalan na siya ang napili na kumanta para sa tribute kay Julie Andrews at sa 50th year ng The Sound of Music.

Hindi natin masisisi si Lady Gaga dahil hindi pa siya ipinanganganak nang ipalabas sa mga sinehan at naging blockbuster ang The Sound of Music. I’m sure, naging bahagi ng childhood ni Lady Gaga ang classic movie ni Julie Andrews.

Napaluha nga ang mga nakapanood sa  pagtatag­po nina Lady Gaga at Julie Andrews sa Oscar stage, si Lady Gaga pa kaya na na-feel nang husto ang moment?

Matagal nang balita na kasama si  Lady Gaga sa invited performers sa  87th Oscar Awards pero walang nakaalam sa kanyang kakantahin kaya marami ang na-surprise sa medley niya sa The Sound of Music. Take note, six months ang paghahanda ni Lady Gaga sa kanyang Oscar performance.

                                     

vuukle comment

AICELLE

GAGA

GIAN

JULIE ANDREWS

LADY

LADY GAGA

OSCAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with