^

Pang Movies

Debut ni Julia mawawalan ng saysay kung wala ang tatay

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Invited ba si Dennis Padilla sa debut ni Julia Barretto ngayong March? Malaking bagay si Dennis bilang ama ng dalaga sa naturang okasyon.

Kesehoda na milyones pa ang magagastos sa mangyayaring event, mawawalan ito ng saysay kung wala si Dennis!

Dapat naroroon ang ama at ina ng debutante sa natatanging araw na iyon.

 

Lani ayaw mag-senador

Nakakwentuhan namin si congresswoman Lani Mercado noong dumalaw kami kay Sen. Bong Revilla noong post-Valentine celebration ng kanilang pamilya sa Crame.

Wala umano sa plano ng congresswoman na tumakbong senador sa darating na eleksyon. Halatang mas interesado siyang maglingkod sa kanyang bayan sa Cavite at ayaw niyang mapalayo sa mga kababayan!

Malimit mag-guest si Lani sa GMA-7 basta maganda ang istorya ng palabas. Sana nga, mabalik ‘yung Kap’s Amazing Story na hinahanap ng mga batang mag-aaral. Educational kasi ito kaya kahit ulitin ‘yung mga nakaraang episode ay ok lang.

 

Barbara Milano excited nang makita ang pakikipagbakbakan ni Pacman kay Mayweather

Masaya si Barbara Milano dahil matutuloy na ang fight ni Manny “Pacman” Pacquiao kay Floyd Mayweather, Jr. sa May 2. Sana sa Pilipinas na lang gawin ang laban sa mismong Philippine Arena para kumita naman tayo ng dolyares. Si Barbara Milano ang unang aktres na nakapareha ni Pacman sa Basagan ng Mukha noong hindi pa siya pinuputakti ng mga tagahanga.

 

Xian kailangang maging maingat sa susunod

Kilala ang ABS-CBN dahil sa ganda nilang mag-PR. Pero sana naman ay maging maingat si Xian Lim sa pagsagut-sagot lalo na sa Kabikulan kung saan maraming follower ang mga artista ng Dos. Ayaw ng Team F ng ganyan.

 

Paulo kampante kay KC?!

May nagtatanong kung hindi kaya nai-insecure si Paulo Avelino ngayong magkabati na sina Piolo Pascual at KC Concepcion. Alam naman kasi ng lahat na dating sweet na sweet ang ex-couple noong araw.

 

Mga artistang lumalaki ang ulo dapat paalalahanan

May piece of advice ang mga tagahanga na nakausap namin tungkol sa mga artistang lumalaki ang ulo. Huwag daw silang magsusuplado. Dahil bukas, makalawa lang, nanay na o tatay na ang papel n’yo.

Sa mga event na invited kayo, huwag magsuplada dahil bayad ang pagpunta n’yo roon.

Hindi lang kayo namasyal o kung ano. At ‘yung mga handler, huwag ipagdamot sa fans ang kanilang mga alaga na gustong magpa-picture. Be nice, dahil binabayaran kayo at magpakatao kayo, please lang.

vuukle comment

AMAZING STORY

BARBARA MILANO

BONG REVILLA

DENNIS PADILLA

FLOYD MAYWEATHER

JULIA BARRETTO

PACMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with