^

Pang Movies

Mapapagod lang daw sa charity works, beauty queen lumaki na ang ulo, puro sosyalan na lang ang gustong atupagin

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

How true na umakyat na sa ulo kaya mahirap na raw kausap ang beauty queen na ito dahil kung sinu-sino na ang nakapaligid dito at tinuturuan itong umastang diva?

Kuwento ng aming source, simula noong nakilala na ang beauty queen at magkaroon ng sariling circle of friends, naging pasaway na raw ito at puro sosyalan na lang ang gustong puntahan.

Pero sosyalan ito kunsaan meron siyang talent fee. Kapag mga kawanggawa ay ayaw niyang daluhan dahil mapapagod lang daw siya tapos wa naman datung.

“Malaki na ang ulo ng beauty queen na ‘yan. Hindi ba niya alam na pagkatapos ng reign niya ay mawawala rin ang mga taong nakapaligid sa kanya?

“Kaibigan lang siya ng mga ‘yan dahil ginagamit nila ang pagiging popular niya. Kapag natapos na siya, tapos na rin sila sa kanya.

“Ang hindi pa maganda ay nagiging bad influence sila sa beauty queen. Noon ang bait-bait niyan at masunurin, ngayon nagmamaldita na. At biglang nagmukhang pera. Dahil ‘yan sa mga taong sinasamahan niya ngayon.

“Kaya bahala siya kung biglang matawag siyang social climber dahil sa mga sinasamahan niyang mga tao,” pagtapos pa ng aming source.

 

Jillian nag-aastang dalaga na kahit hindi pa certified teenager!

Nag-celebrate ng kanyang 10th birthday ang Kapuso child star na si Jillian Ward noong nakaraang February 23.

Marami ang nagulat na dalagang-dalaga na ang hitsura at kilos ni Jillian. Parang kailan lang ay na-discover si Jillian at pinagbida sa afternoon teleserye na Trudis Liit.

Kung dati-rati ay mahilig maglaro at may kakulitan si Jillian, ngayon ay umaastang dalaga na raw ito kahit hindi pa siya certified teen.

Kasama si Jillian sa bagong teleserye ng Kapuso network na Pari ‘Koy na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Ang naging birthday wish ni Jillian ay hindi para sa kanyang sarili lamang.

“Hindi po kasi material eh. Sana po long life para sa family namin, sana lagi po kaming magkakasama.

“Wala pong mawawala and more blessings to come para ma-share ko po. Sana ilayo kami sa sakit ng Diyos at sa mga bad spirits po,” sey pa ni Jillian Ward na huling napanood sa afternoon teleserye na My BFF.

 

Neil Patrick Harris pinaghandaan ang birdman!

Hindi raw kinabahan ang former Hollywood child actor na si Neil Patrick Harris nang lumabas siya sa entablado ng Oscar Awards na suot lamang ay puting underwear.

Kasama sa pagpapatawa ni Neil ang pagsuot ng white underwear sa kanyang pag-host ng 87th Aca­demy Awards. Ginaya niya ang isang eksena sa pelikulang Birdman kung saan naglakad na naka-underwear lang ang aktor na si Michael Keaton.

Alam daw niyang bilyong tao ang makakapanood sa kanya sa buong mundo kaya confident siya sa ginawa niya.

“I really didn’t think about it. I really didn’t. I did Hedwig, so I’m used to being on stage without much on,” tawa pa ni Harris.

“I just think of it as an audience. It’s not about numbers. It’s always just an audience.”

Pinuri ang former child actor dahil sa very fit ito at obvious na pinaghandaan ang kanyang katawan.

“I did more sit-ups for the last couple of weeks,” sey ni Harris sa interview niya with E! News.

“I actually ask them to put another layer of material sewn over the tighty whities because the first pair in the lights revealed too much.”

Mas kinabahan pa raw si Harris sa naging opening number nila ni Anna Kendrick at Jack Black.

“The hard part was the anticipation of getting it right. There were so many moving parts that the anticipation and the worry was killing me.”

vuukle comment

ANNA KENDRICK

DINGDONG DANTES

JACK BLACK

JILLIAN

JILLIAN WARD

KAPAG

KAPUSO

NEIL PATRICK HARRIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with