^

Pang Movies

Dating young actor maganda ang kinahinatnan nang hindi patulan ang madatung na bading

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagpapasalamat ang former young actor na ito na hindi bumigay sa indecent proposal ng isang maimpluwensyang bading sa industriya.

Kahit hindi siya naging malaking star, masaya at tahimik naman ang naging buhay niya at hindi katulad ng naging buhay ng aktor na sumalo sa naturang indecent proposal sa kanya na hindi masaya at patung-patong ang problema ngayon.

Inamin ng former matinee idol na pinipilit siya ng maimpluwensyang bading na maging dyowa niya. Marami raw na pinangako rito kasama ang maging leading man sa pelikula at mga TV series.

Maayos naman na tinanggihan ng former young actor ang offer ng ba-ding. Hindi raw niya trip iyon at wala siyang ilusyon na maging isang mala-king artista dahil kuntento na siya sa kinalalagyan niya.

Pero dahil obsessed ang bading sa da-ting young actor, umabot pa sa hina-harass na niya ito para pumayag lang.

Nagbigay ng warning ang former young actor na idaan pa siya sa harassment ay magsusumbong na ito sa kanyang magulang at tiyak na mapapakulong niya ang bading dahil sa ginagawa nitong hindi tama.

Doon lang tumigil ang bading dahil sa takot sa mga koneksyon ng dating young actor. Nabaling naman ang atensyon niya sa isang kasabayan ng young actor na game na game sa indecent proposal ng bading.

Nagawang maging big star ng naturang young actor, pero walang bumilib dito dahil maraming may alam na dahil sa impluwensya ng karelasyon niyang bading kaya ito nabibigyan ng magagandang projects sa TV at pelikula kahit na wala talaga itong talent na maipagmamalaki.

Kung nanalo man daw ng acting award ito, ito ay dahil binili ng kanyang gay lover.

Ngayon ay mukhang miserable na ang aktor. Malaki ang problema nito financially. Pero dedma na sa kanya ang bading dahil may bago na raw itong kinababaliwan ngayon.

Kaya ang aktor na unang inalok ng bading ay nagpapasalamat na hindi siya pumayag sa gusto nito. Malayung-malayo ang maayos at masaganang buhay niya kumpara sa buhay ngayon ng aktor na dyinowa ng bading na magulo at punung-puno ng problema.

Melanie halos wala nang maibigay na tips kay Winwyn

Proud na proud si Melanie Marquez sa kanyang pamangkin na si Teresita Ssenn Marquez or mas kilala bing Winwyn Marquez dahil malakas ang dating nito bilang isa sa candidates ng 2015 Binibi-ning Pilipinas.

Si Winwyn ay anak ng kapatid ni Melanie na si Joey Marquez sa aktres na si Alma Moreno.

Payo ng former Miss International 1979 kay Wyn ay ang maging natural lang kapag rumampa na ito sa entablado.

“I just tell her to be natural, and just be yourself and always remember, to win the crown, be like a queen,” diin pa niya.

Kahit na bilib na si Melanie sa pagiging natural ng pamangkin, nagbigay pa rin siya ng ilang helpful tips dito.

“Winwyn has that personality. Sa paglakad, wala na akong masyadong maipapayo pa dahil marunong na siya.

“Konting payo lang, pero she already has it. I tell her to always be graceful ‘pag nagwu-walk siya. Be relaxed para mas sexy siyang tingnan. Pag ‘ninerbyos siya, sabi ko, ‘Ngumiti ka lang!”

Confident si Melanie na makakakuha ng isang titulo si Wyn sa Bb. Pilipinas.

“Sabi ko kay Winwyn, ‘If they don’t pick you, it’s their loss, not yours.

“Nasa kanya na yun’ sure winner, not because pamangkin ko siya, pero nakita ko ‘yung stage presence niya. She has all the ingredients of a beauty queen.

“Wala na siyang kulang kundi just believe in herself na lang. We just have to pray more. She is very smart, that’s why I’m very proud, and she’s so sweet and humble, that’s one thing I like about her,” pagtatapos pa ni Melanie Marquez.

Cameron Diaz at Kirk Cameron worst Actress at Actor ng Razzies

Si Cameron Diaz at Kirk Cameron ang nagwa-ging Worst Actress and Worst Actor sa kakaganap lamang na Golden Raspberry Award or Razzies. Ginanap nga ito sa Montalban Hotel in Los Angeles on the eve of the Oscar Awards.

Nanalo nga si Cameron para sa kanyang dalawang pelikula na The Other Woman at Sex Tape. Nanalo naman si Kirk para sa comeback movie niya na Kirk Cameron’s Saving Christmas na nanalo ring Worst Picture, Worst Screenplay and Worst Screen Combo for Kirk Cameron and his ego.

Worst Director naman si Michael Bay for Transformers: Age of Extinction.

Ang ilan pang nagwagi ay sina Megan Fox (Worst Supporting Actress for Teenage Mutant Ninja Turtles) Kelsey Grammer (Worst Supporting Actor for The Expendables 3, Legends of Oz, Think Like A Man Too and Transformers: Age of Extinction); Annie (Worst Remake, Rio-off or Sequel).

vuukle comment

ACTOR

AGE OF EXTINCTION

BADING

DAHIL

KIRK CAMERON

MELANIE

NIYA

SIYA

WORST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with