^

Pang Movies

Jennylyn at Dennis ilang na ilang nang magyakapan sa harap ng maraming tao

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

It’s not true pala na kaya wala sa press release ng airing ng concert ni Jennylyn Mercado ang name ni Derek Ramsay ay dahil hindi isinama ng GMA Network ang performance niya as one of the special guests sa Oo na! Ako na Mag-isa! Samahan N’yo Naman Ako dahil nang ipalabas ito last Sunday sa SNBO, si Derek ang last guest ni Jennylyn. Napansin pa namin na mas may kilig ang pagkanta ni Derek ng The Way You Look Tonight kay Jennylyn kaysa pagdu-duet nila ni Dennis Trillo ng After All.

Halata kasing may ilang factor sina Jen at Dennis dahil nga may mga nagsasabing nagkabalikan na sila pero both denied naman na may ganoong issue. Kahit nang yakapin ni Derek si Jen at sabi’y “kailan kaya mauulit ito,” may kilig din sa audience. Sabi kasi, ay may follow-up ang first team up nilang English Only, Please, pero mauuna raw munang magtambal sina Derek at Kris Aquino na iku-co-produce ng Regal Entertainment at Star Cinema pero mukhang may mga problema pa kaya hindi pa masimulan.

May nagtatanong kay Jennylyn kung ma­uulit ba ang successful concert niya, like a birthday concert sa May. Ayaw daw muna niyang isipin dahil naka-focus na siya ngayon sa taping ng Second Chances na masyado raw seryoso ang mga eksena at madalas siyang makatanggap ng mga sampal mula kina Bernard (Raymart Santiago), Rebecca (Camille Prats), Coleen (Chynna Ortaleza) at Federico (Roi Vinzon).

Winwyn umaasa ng panalo sa BB Pilipinas

Maraming nagsasabing may chance si Winwyn Marquez na manalo sa coming Binibining Pilipinas beauty pageant na gaganapin sa Araneta Coliseum sa March 15.

Lahat daw ng pamilya ni Winwyn with Alma Moreno and Joey Marquez ay very supportive sa dalaga.

Kaya natanong din si Winwyn kung hindi ba magiging disadvantage sa kanya na she is from showbiz? Hindi raw naman, dahil sa pagiging artista niya, marami raw siyang natutunan, experiences in meeting all sort of people, nasanay na rin daw siyang tumanggap ng criticisms na very common sa mga tulad nilang artista.

Inamin niyang may expectations siya na manalo, pero aware rin siyang isa itong competition na may natatalo. Gagawin daw niya ang kanyang best para ‘win-win’ siya tulad ng kanyang name.

Janine bet maging nanay si Jaclyn Jose

Nasa last two weeks na ng More Than Words, ang rom-com drama se­ries nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez. Ser­yoso rito si Elmo as Hiro at makulit naman si Janine as Ikay. Nakaka-relate raw ang young actress kay Ikay dahil ganoon daw siya off-ca­mera. Kaya swak daw sila ni Jaclyn Jose dahil makulit din ito bilang Nanay Precy niya. Ganoon din daw ang ina niyang si Lotlot de Leon, makulit din kung minsan.

Pero si Ikay ay palaban hindi tulad niya. Hindi raw kasi siya confrontatio­nal. Sa story ngayon, pinag-aagawan siya nina Hiro at Nate (Enzo Pineda).

Napapanood ang More Than Words pagkatapos ng 24 Oras.

vuukle comment

AFTER ALL

ALMA MORENO AND JOEY MARQUEZ

DEREK

IKAY

JACLYN JOSE

JENNYLYN

MORE THAN WORDS

WINWYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with