^

Pang Movies

Pati trip to abroad na naudlot, sinagot: Female celeb ginagastusan ang boyfriend

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Pinag-uusapan ang pagiging galante ng isang female celebrity (FC) sa kanyang boyfriend. Hindi na raw kailangang magsabi ang guy kung ano ang gusto nito, give na lamang sa kanya si FC na ikinagugulat na lamang ng una. Minsan nga raw ay may trip sana sila abroad at naibili na siya ng ticket ni FC. Nadismaya nga lamang si FC dahil hindi sila natuloy, nagkasakit kasi ang boyfriend bago ang scheduled trip nila.

Piolo at Toni sigurado na sa box-office king and queen 

May mga nagtatanong na kung magkakaroon muli ng awards night ang Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF). Meron, at ito na ang 46th Box-Office Entertainment Awards ng foundation. Dahil sunud-sunod na naman ang pamimigay ng awards ng iba’t ibang award-giving bodies, nag-decide silang gawin na ito sa last week ng May. Pero by April, magkakaroon na ng deliberation at selection ng winners ang bumubuo ng board of jurors. Sino kaya ang tatangha­ling box-office king at queen this year? May tatalo kaya sa box-office gross ng Starting Over Again na 2014 Valentine offering nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga from Star Cinema?

Jennylyn kinabog ang ibang kasabayang nag-concert

Sosyal si Jennylyn Mercado sa katatapos niyang Valentine show. Mukhang siya kasi ang unang makakapag-feature nito on TV, kaysa mga ka­sabayan niyang malalaking Valentine concerts. Mamayang gabi na mapapanood ang Oo Na! Ako Na Mag-isa! Samahan N’yo Naman Ako! at tiyak na mag-i-enjoy kayo sa bawat performances ni Jenny­lyn at ng mga special guests niyang sina Mark Herras, Dennis Trillo, Gloc 9 at mga co-stars niya sa blockbuster movie niyang English Only, Please. It will be seen at GMA Sunday Night Box Office (SNBO) at 9:45 p.m. pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho.

Anjanette excited na uling mag-showbiz

May special interview ang broadcast journalist na si Jessica Soho sa kanyang magazine show na Kapuso Mo Jessica Soho kay former beauty queen and actress Anjanette Abayari. Fifteen years ago nang iwanan ni Anjanette ang showbiz nang magkaroon siya ng kontrobersiya sa Guam. Bumalik siya ngayon sa bansa at nagkaroon siya ng heart warming reunion sa kanyang ama at mga anak na naka-base na ngayon sa Iloilo City. Nakipagkita agad si Anja­nette kay Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment dahil gusto niyang balikan ang showbiz.

MHL ayaw nang gawan ng part two

May nagri-request pa rin pala sa head writer na si Suzette Doctolero na gumawa siya ng script para sa My Husband’s Lover 2 (MHL) ngayong ginagawa niya ang script ng bagong drama series ni Marian Rivera-Dantes sa GMA-7, ang The Richman’s Daughter (tentative title) sa pag-aakala nilang female version ito ng MHL. Tanong kay Suzette, kung exciting pa raw ba na magkaroon ng part 2 ang MHL.

“I don’t think so,” say pa ni Suzette. “Let My Husband’s Lover ends there at hayaang magkaroon ng iba pang kuwento about gays na iba naman.”

vuukle comment

AKO NA MAG

ANJANETTE

ANJANETTE ABAYARI

BOSS VIC

BOX-OFFICE ENTERTAINMENT AWARDS

DENNIS TRILLO

ENGLISH ONLY

KAPUSO MO JESSICA SOHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with