^

Pang Movies

Xian minalas na naman sa Chinese New Year!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukhang malas nga yata si Xian Lim basta mayroon siyang personal appearance kung Chinese New Year. Kung natatandaan ninyo, last year, napasama rin siya nang biruin niya ang isang contestant sa look alike contest sa celebration sa Binondo na hindi naman kamukha ni Kim Chiu, kundi kamukha ni Bea Binene.

Ilang araw din tumagal ang controversy na iyon at panay ang paliwanag niya na wala naman siyang balak na insultuhin ang contestant. Inalalayan pa nga raw niya iyon pababa ng stage at hindi naman masama ang intensiyon niya nang banggitin ang pangalan ni Bea Binene.

Ngayon Chinese New Year, sumabit na naman siya sa panibagong controversy sa Albay. Pagdating pala niya roon, inabutan siya ng isang coffee table book at isang T-shirt na ipinakikiusap na isuot niya sa show. Pero tumanggi siya na ayon sa kanya ay maayos naman ang kanyang pagkakasabi. Sabi raw niya ay baka magkaroon iyon ng problema sa isang shirt company na ini-endorse niya. Ang lumalabas naman sa ibang balita, sinabi raw niyang “I am not here to promote Albay.” Kaya sinumbatan naman siya at sinabing noong wala pa siyang name, kinukuha na siya sa Albay. Ibinisto pa tuloy na binayaran siya ng P350,000 para sumipot lang doon tapos ganoon ang sasabihin niya.

Mayroon pang report na nang dumating siya sa Albay, may suot siyang hoodie at sunglasses. Iyong sunglasses, napakiusapan daw siya ng fans na alisin, pero iyong hoodie ay hindi. Kaya halos hindi na siya makita ng fans. Matabang din daw ang pakikitungo niya sa mga ito.

Nangako naman siya ngayon na isusuot ang T-shirt sa kanyang mga pictures online, at maging sa telebisyon. Pero nagkaroon na ng controversy eh. Minsan kasi, dapat iniisip ng mga artista kung ano ang sasabihin nila. Minsan, sa palagay nila ay walang kabagay-bagay iyon, pero mabigat ang dating sa ibang tao. Ang biruan nga ngayon, huwag na siyang tatanggap ng personal appearance kung Chinese New Year, mukhang hindi raw siya suwerte sa mga ganoon.

Anjanette controversial ang pagbalik sa showbiz

Mukhang masyadong controversial ang gustong pagbabalik ni Anjanette Abayari sa show business dahil sa simula pa lang ay may pasabog na ito. Iyong pagbebenta raw ng dati niyang boyfriend na si David Bunevacz sa kanyang mga gamit, kabilang na ang isang mamahaling Rolex. Mabuti raw nabawi ang kotse niya at naagapan ang condo na balak din ibenta ni Bunevacz.

Kung sabagay, marami talagang controversies ­iyang si Anjanette Abayari. Isa sa mga matinding controversy niya noon ay ang kanyang naging relasyon kay Gabby Concepcion, at iyong natsismis noon na sex video daw niya.

Ngayon, gusto niyang magbalik matapos ang ginawa niyang community service sa US dahil sa pagkakadampot naman sa kanya noon dahil sa bawal na droga sa Guam. Kung sabagay, siguro naman hindi magiging problema iyon. Si Nora Aunor ganyan din naman ang kaso, nakabalik pa sa show business eh. Si Alma Concepcion ganyan din ang nangyari, ngayon nasa show business pa rin.

Pero aywan ha, ang palagay namin, mas mabuti kung iiwasan na muna ni Anjanette ang mga hindi magagandang usapan. Kasi kung bubuksan niyang lahat iyan, lalabas pa rin namang may kasalanan din siya kaya nangyari ‘yan. Sa ngayon, hindi na controversy ang kailangan niya. Ang kailangan niya ay magpakita ng mahusay na acting.

vuukle comment

ALBAY

ANJANETTE ABAYARI

BEA BINENE

CHINESE NEW YEAR

KUNG

NAMAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with