^

Pang Movies

Luis nagpasalamat sa kabaitan ng tatay ni Angel!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sweet-sweet-an talaga si Luis Manzano sa greetings niya sa kanyang future father in law kahapon, February 17, na kanyang inilabas sa Instagram account.

“Happy, happy birthday to an AWESOME man and a loving father. You have raised an AWESOME, loving and God-fearing family. Thank you po sa lahat ng kabaitan, chocolates and nuts na sini-share nyo po sa akin. Happy birthday, Tito!” mensahe ni Luis.

Ang tinutukoy ni Luis ay ang father ng girlfriend na si Angel Locsin.

Marian hindi pa rin nakakabuo

Isang produktong collagen mula sa Belo at isang cologne mula sa Bench ang dalawang pasok na endorsements ni Marian Rivera matapos maging Mrs. Dingdong Dantes.  Not bad for the second month of 2015!

Kagagaling lang nina Marian at Dingdong Dantes sa El Nido Palawan nu’ng Valentine’s Day. Matapos ‘yon ng halos isang buwang pananatili sa Europe para sa kanilang honeymoon, huh!

Kaya naman tinext namin ang bagong kasal kung delayed na ba ang monthly period niya?

“Waley! Ha! Ha! Ha!” tugon sa amin ni Yan Yan.

Kaya naman kayod muna si Yan Yan kahapon kung saan nagkaroon siya ng grand fans’ day sa Carcar, Cebu. Ngayong araw naman ay nakatakda siyang magkaroon ng test look sa bagong soap opera sa GMA Network. After ng test look si-segue siya sa launch ng kanyang Belo Collagen.

Di na binibigyan ng trabaho Bea Alonzo tambay-tambay muna

Mukhang “tambay” mode muna si Bea Alonzo, huh! Sa TV commercials na lang namin siya nakikita.

Aba, parang almost a year na ‘yung ginawa niyang teleserye na Sana Bukas Pa ang Kahapon, huh! Wala kaming nababasa o naririnig na bagong series niya o pelikula this coming months.

Buti pa ang boyfriend niyang si Zanjo Marudo at on going pa ang series na Dream Dad.  Habang si Bea ay mukhang matatagalan pa ang pagiging bakante sa proyekto.

Eh base sa shows ng Kapamilya network ngayon, pawang kabataang artista ang focus. Medyo nabawa­san na ang ka-level ni Bea.

Talagang maiksi na lang ang life span ng mga artista natin at madalas ay come and go ang byuti nila, huh!

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BEA

BEA ALONZO

BELO COLLAGEN

DINGDONG DANTES

DREAM DAD

EL NIDO PALAWAN

KAYA

YAN YAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with