^

Pang Movies

Michael ginaya ang ‘kabaklaan’ ni Robin Williams!

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines – Versatile talaga si Michael de Mesa. Hindi lang sa pelikula siya gaganap na bakla kundi sa stageplay na rin. Tinanggap niya ang play na La Cage Aux Folles na itatanghal next month sa RCBC. Gaganap siya bilang bading na may kinakasama rin na isa pang bading na gagampanan ni Audie Gemora. Ito ang papel ni Nathan Lane sa Birdcage na kinakasama naman noon ni Robin Williams na papel ni Michael.

Sa interbyu kay Michael, sabi niya, matagal din siyang nag-stay sa America para hanapin ang kanyang kapalaran. Nag-goodbye showbiz na nga raw siya noon. “Pero na-realize ko talaga na my world is showbiz. Ito ang buhay ko talaga at mahirap pala itong iwan.”

Bagama’t nakabalik na ng bansa, hindi naman siya nakipagbalikan sa asawa niyang si Gina Alajar.  Tatlo ang anak nilang lalaki pero dalawa lang ang sinubok ang showbiz, sina Ryan Eigenmann at Geoff Eigenmann. Hindi rin nakapagdirek si Michael nang tuluy-tuloy. Mas aktibo pa rin si Gina na naging direktora na rin.

Dion itinangging nagpapagamit sa mga bading

Tahasang itinanggi ni Dion Ignacio na may karelasyon siyang bading. Sa presscon ng Kailan Tama ang Mali? sinabi niyang pawang paninira lang sa kanya iyon. “Hindi ko dini-deny na marami akong baklang kaibigan pero hindi ko sila pinapatulan. Mas gusto kong sa sarili kong sikap at hirap manggaling ang pera ko. No offense sa mga bading pero mas gusto ko silang kaibigan kaysa maging karelasyon.”

Michael Pangilinan nasapawan ni Martin sa sariling concert!

Hindi namin napanood ang Come Sing With Me concert ni Michael Pa­ngilinan pero may nagsabing successful naman daw ito. Sa Teatrino ito naganap at maraming guest kahit hindi na-advertise. Nakipag-duet si Martin Nievera kay Michael ng Kahit Isang Saglit. ‘Yun nga lang, nasapawan si Michael dahil mas powerful ang boses ni Martin. Payong kapatid lang, ‘wag kang makikipag-duet sa mas magaling na singer sa iyo Michael!             

vuukle comment

AUDIE GEMORA

COME SING WITH ME

DION IGNACIO

GEOFF EIGENMANN

GINA ALAJAR

MICHAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with