^

Pang Movies

Miss Saigon, kasama si Rachelle Ann naghakot ng award sa London

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nine awards ang nakuha ng Miss Saigon sa 15th Annual What’s on Stage Award sa London nitong nakaraang weekend. Mismong mga audience ang bumoboto sa annual award na ito at sa siyam na award ng Miss Saigon, apat na oriental cast ng nasabing play ang kasama rito. Kaya marami ang nagko-congratulate kay Rachelle Ann Go sa pagkakapanalo niya rito bilang Best Supporting Actress in a Musical kasama si Eva Noblezada as Best Actress in a Musical at Jonjon Briones as Best Actor in a Musical plus Kwang Hu Hong as Best Supporting Actor in a Musical.

Kaya sobrang saya ni Cameron Mackintosh nang tanggapin nila ang awards sa Prince Edward Theatre sa London.

Marian dapat maging kampante kay Dingdong sa piling ni Carla

Matapos ang kasal at pamumuhay bilang may asawa, bagong teleserye ang haharapin ni Dingdong Dantes sa Kapuso Network. May titulong Pari Ko’y na directed by Direk Maryo J delos Reyes, nag-taping sila agad kahapon matapos ang storycon noong Biyernes kung saan masayang nag-post si Jeric Gonzales na makasama si Dingdong sa isang proyekto.

Isang Pari ang role ni Dingdong dito na bago at challenging para sa kanya. Masiglang masigla sa pagbabalik trabaho si Dingdong at bale pangalawang beses na niyang makakatrabaho si Direk Maryo na ang una sa Pahiram ng Sandali.

Hindi pa malinaw sa amin kung sino ang kapareha rito ni Dingdong kahit pari ang role niya. Pero balita namin ay si Carla Abellana ang makakasama niya rito. Wala naman sigurong magiging problema kahit hindi kasundo ni Marian Rivera si Carla. Mag-asawa na naman sila at wala nang dapat ikabahala pa ang Primetime Queen.

Bukod kay Jeric ay kasama rin sa cast sina Sunshine Dizon, Chanda Romero, Gabby Eigenmann, Dexter Doria, Luz Valdez, JC Tiuseco, Carlo Gonzales, Jillian Ward, Rap Fernandez, at marami pang iba.

Heart malaki ang gagawing adjustment sa pagiging misis ng isang senador

Ano ba yan, hindi pa man nakakapag-umpisa bilang Mrs. Chiz Escudero ni Heart ay iniintriga na agad ito na galing daw sa PDAF ang ginastos sa sobrang garbo na kasal. Foul naman ‘yan dahil mula sa maayos na pamilya naman sina Chiz at Heart.

May sapat silang kakayahan na gastusan ng bongga ang pinakamagandang nangyari sa buhay nila. Huwag na natin dagdagan ang sama ng loob ni Heart sa hindi pagsipot ng kanyang mga magulang sa kasal nila. Though nandun naman ang mga kapatid ni Heart para samahan siya sa importateng event na ito ng kanyang buhay. Lets wish them well.

Maraming adjustment ang dapat gawin si Heart bilang asawa ng isang senador. Bukod sa pagiging artista ay kailangan nitong samahan ang asawa sa mga official functions kung kinakailangan. May organisasyon din ang mga asawa ng mga senador na active sa kawanggawa. Kaya magiging hati ang gawain ni Heart bilang asawa ng pulitiko bukod sa pagiging maybahay.       

vuukle comment

ANNUAL WHAT

BEST ACTOR

BEST ACTRESS

BEST SUPPORTING ACTOR

BEST SUPPORTING ACTRESS

BUKOD

CAMERON MACKINTOSH

CARLA

KAYA

MISS SAIGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with