^

Pang Movies

Cristine hindi nagpapaapekto sa mga basher, kapakanan lang ng pre-mature baby ang iniisip

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi akalain ni Cristine Reyes na mapapaanak siya ahead of schedule. Noong Feb. 8 ay iniluwal niya ang kanyang anak na babae na pinangalanan nilang Amarah. Pre-mature baby si Amarah. Hindi na makontrol ni Cristine at kailangan nang iluwal ang bata kahit kulang sa sapat na panahon. Kaya ngayon ay critical ang condition ng bata at minu-monitor ng mga doctor.

Kaya ngayon daw ay nakatutok si Crisine at ang ama ng bata sa pagmu-monitor at humihingi ang aktres ng dasal sa mga kamag-anak at kaibigan para malagpasan ni Amarah ang kanyang ipinaglalaban.

Sa ganitong sitwasyon ay hindi na pinapansin o binibigyang panahon ni Cristine ang negativity ng bashers at mga sumisisi sa kanya kung bakit ganito ang sinapit ng bata.

Basta ang kapakanan ng bata ang top priority niya.

Daniel mas priority ang pamilya kaysa kay Kathryn

Ibinuking ni Kathryn Bernardo sa presscon ng Crazy Beautiful You na hindi na siya nakakatanggap ng regalo mula kay Daniel Padilla.

Nagigipit daw si Daniel na hindi naman pinaniwalaan, although it’s an open knowledge na dumami ang kamag-anak nitong sinusuportahan nang suwertehin sa showbiz. Pero wika ni DJ ay busy siya sa trabaho at wala nang panahon pa na bumili ng gift.

Nakaka-relate ang dalawa sa title ng pelikula nila na malapit ng ipalabas. Pananaw ni Kathryn na mas may thrill daw kapag may kaunting craziness sa isang relasyon at ganun din ang pahayag ni Daniel. Boring nga naman kung pulos beautiful ang love. Talbog!!! Sa Feb. 25 ang opening ng Crazy Beautiful You sa mga sinehan.

Dingdong na-challenge sa bagong gagawing serye

Kakaiba at challenging ang magiging role ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa kanyang pinakabagong programa sa GMA Network. 

Sa ginanap na story conference noong Biyernes (Pebrero 13) ng upcoming primetime series na Pari ‘Koy, inihayag ng aktor ang kanyang excitement sa pagsisimula ng programa, “I’m very excited and very energized to go back to work. Ito ay isang istorya na magbibigay inspirasyon sa mga manonood.”  

Dagdag excitement din para sa Kapuso actor ang first time niyang pagganap bilang isang pari, si Father Kokoy.

Ang Pari ‘Koy ay sa ilalim ng direksiyon ng award-winning director na si Maryo J. Delos Reyes. Una nang nagkatrabaho sina Direk Maryo at Dingdong sa primetime series na Pahiram ng Sandali.

Ilan pa sa mga makakasama niya sa serye sina Gabby Eigenmann, Sunshine Dizon, Chanda Romero, Jeric Gonzales, Carlo Gonzales, JC Tiuseco, Rap Fernandez, Luz Valdez, Dexter Doria, Hiro Peralta, Jojit Lorenzo, Lindt Johnston, Jhiz Deocareza, at Jillian Ward. 

Mapapanood na ang Pari ‘Koy ngayong Marso sa GMA Telebabad. 

                                                               

 

vuukle comment

AMARAH

ANG PARI

CARLO GONZALES

CHANDA ROMERO

CRAZY BEAUTIFUL YOU

CRISTINE

CRISTINE REYES

DANIEL PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with