^

Pang Movies

Sarah takot ma-in love kay Lee Min Ho?!

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang Korean Superstar na si Lee Min Ho ay gagawa ng pelikula sa bansa. Makakatambal niya raw ang sikat na actress-singer na si Sarah Geronimo.

Pero nakabitin pa ang tambalan dahil hihingi pa raw ng permiso si Sarah sa boyfriend niyang si Matteo Guidicelli. Kung sinasabi ni Sarah na ipaaalam nga kay Matteo ang lahat ng proyekto niya, itong movie nila ni Lee Min ay dapat lang niyang tanggapin dahil international movie ito. Ayaw ba niyang maging international star?

Sayang kung hindi tatanggapin ni Sarah ang pelikula dahil lang baka magselos ang boyfriend niya. 

O baka naman siya mismo ang mai-in love sa Korean Superstar ‘pag nagkatambal na sila kaya siya umiiwas?

Sabi ni andi hindi niya raw kailangan ang ama ni Ellie

Muli na naman naging usap-usapan si Andi Eigenmann dahil nagpahayag na nang tuluyan si Albie Casiño na kahit three years old na si Ellie ay hindi pa rin niya aaminin na siya ang ama ng bata.  Nairita yata si Andi at sinabing kung ayaw ni Albie na kilalanin ang kanyang anak, okey lang sa kanya at wala siyang pakialam. “Hindi ko kailangan kung sinuman ang ama ng aking anak!” diin niya.

Bakit kaya hindi matukoy ni Andi kung sino talaga ang tunay na tatay ng anak niyang si Ellie? Marami ba sila o nalilito lang siya kung sino talaga ito?

Mildred Ortega-Templo sinorpresa ng mga dating kasamahan sa industriya

Matagal na namin kakilala si Mildred Ortega at naging close kami nang magtayo rin siya ng publication at si Ate Veronica Samio ang editor namin. Si Nap Alip ang gumawa ng paraan para magkita-kita ang mga reporter na dating close kay Mildred Ortega-Templo na ngayon. Natatandaan pa namin noong ka-love team pa niya si Jay Ilagan at Walter Navarro. Hindi namin alam kung talagang niligawan siya ng mga ito noon na pareho nang na kay Lord ngayon. Pero tumanyag naman si Mildred noong panahon pa niya sa Lea Productions noong late 70s to 80s.

                             

vuukle comment

ALBIE CASI

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANG KOREAN SUPERSTAR

ATE VERONICA SAMIO

ELLIE

JAY ILAGAN

MILDRED ORTEGA-TEMPLO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with