^

Pang Movies

Daniel at Kathryn hindi pa rin tapos ang shooting!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang presscon ng pelikulang Crazy, Beautiful Love nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo noong isang araw sa Dolphy Theater sa ABS-CBN compound.

Sa February 25 na ang showing ng CBL, pero hanggang sa February 18 pa pala ang shooting nila.

Noong isang araw, nag-shooting pa uli sila sa Tarlac na location ng karamihang eksena ng kanilang pelikula.

Gabby hindi pasadong komedyante, kulang sa timing

Si Gabby Concepcion sa presscon ng CBL.

Pinilit ni Gabby na magpakwela sa kanyang mga sagot sa nasabing presscon, pero kulang sa timing.

Mas magaling sa drama si Gabby kesa sa pagpapatawa.

Kalaswaan ni Rico, patok pa rin

Ang pre-Valentine’s dinner show ng OPM Legends nina Rico J. Puno, Hajji Alejandro, Rey Valera, at Marco Sison noong February 12 sa Palacios de Maynila.

Puno ang nasabing venue.

Hindi na bago ang pagiging malaswa ni Rico sa kanyang mga show at ‘yon naman ang hinahanap sa kanya ng mga tao.

Tawa lang nang tawa ang mga nanood ng nasabing dinner show kapag nagpapakawala si Rico ng kanyang green jokes.

Ruffa at Jordan isang linggo sa Bali

Kagabi umalis ang sweethearts na sina Ruffa Gutierrez at Jordan Mouyal pa-Bali, Indonesia.

Isang linggong mawawala sina Ruffa at Jordan.

Kahit may biyahe siya kahapon, naging abala pa rin si Ruffa the whole day sa kaliwa’t kanang meetings na may kinalaman sa Love Collection nila ng mga anak na sina Lorin at Venice at kaibigang fashion designer na si Rajo Laurel.

Sa Marso 21 na ang launch ng second Love Collection ng mag-iina at ni Rajo at isang big event ‘yon na may kasamang fashion show.

After ng meetings niya, hindi pa kaagad umuwi ng bahay si Ruffa para kunin ang kanyang mga bagahe at pumunta ng airport. Pumunta pa siya ng mall, kaya nang tawagan niya ako, ipinaalala ko sa kanya na sobrang traffic kahapon at baka ma-late siya sa kanyang flight.

 

vuukle comment

BEAUTIFUL LOVE

DANIEL PADILLA

DOLPHY THEATER

GABBY CONCEPCION

HAJJI ALEJANDRO

JORDAN MOUYAL

LOVE COLLECTION

RICO

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with