^

Pang Movies

Eugene kay Jose na kaya ibibigay ang virginity?!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bahagya pa noon na umiiwas si Eugene Domingo kapag hinahalikan ni Jose Manalo sa programang Celebrity Bluff. Ngayon ay hindi na masyado. Ibig kayang sabihin ba nito, nagkakadebelopan na ang dalawa? Wala namang masama dahil malaya naman si Jose, lalo na si Eugene.

Imagine, sa tagal ng paghahanap ni Eugene sa kanyang makakasamang prince charming, baka si Jose pa itong sagot sa mga dasal ng dalaga.

Kinaiinggitan ng mga kaklase Sabrina first kiss si Miguel!

Hiyang-hiya si Sabrina Man noong halikan niya sa pisngi si Miguel Tanfelix sa eksena nila sa Once Upon a Kiss. First time pa lang nakahalik si Sabrina sa isang lalaki. Marami nga sa mga classmate niya ang nanunukso dahil dream boy ng mga bagets si Miguel nowadays. Suwerte raw niyang nahalikan ito.

Subalit para kay Sabrina, kung hindi lang kailangan sa istorya, ayaw pa niyang humalik sa isang lalaki.

Bakit daw ganun, siya pa itong humalik? Kaso sa teleserye nila, kailangang babae ang humalik para magbalik-sigla si Miguel.

Twelve years old pa lang si Sabrina, pero looking dalaga na.

First time rin niyang nagkontrabida kaya marami raw ang naaasar kay Sabrina, tuwing namamasyal sila sa mall. Ang sinasabi na lang niya sa mga ito, “trabaho lang po ‘yon”.

Kaya iniwan ang TV5 Bayani na-insecure kay Empoy?!

Halatang paborito sa TV5 ngayon si Empoy Marquez. Palagi kasing may show ang dating Star Magic talent na taga-Baliuag, Bulacan. May mall show sila ni Derek Ramsay at tuwang-tuwa ito sa mga patawa ni Empoy. Sabi nga ng mama ni Empoy na si Cecil, bata pa raw ay komedyante na ang anak. Idolo nga raw ni Empoy si Bert “Tawa” Marcelo na taga-Baliuag din.

Totoo bang na-insecure si Bayani Agbayani kay Empoy kaya lumipat uli ito sa Kapamilya?

Aktres ipinangangalandakang mamahalin ang mga inireregalo

Sino ba ang actress na ito na pulos kuwento ng mamahaling regalong ipinamimigay niya. Ito ang topic niya lagi sa kuwento niya kapag may kausap, pero halata namang walang interest ang kanyang pinagkukuwentuhan. Wala na siyang ibang maikuwento kaya bawa’t regalo tuloy na ipinamimigay, tiyak mababasa mo agad sa mga diyaryo.                              

vuukle comment

BALIUAG

BAYANI AGBAYANI

CELEBRITY BLUFF

DEREK RAMSAY

EMPOY

EMPOY MARQUEZ

MIGUEL

SABRINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with