^

Pang Movies

Jaya Memories… 25 Years, mapapanood na sa SNBO ng GMA

Pang-masa

MANILA, Philippines - Makikanta at maki­saya na sa pagdiriwang ng Soul Diva na si Jaya ng kanyang 25th anniversary sa industriya dahil mapapanood na ngayon Linggo (Pebrero 8) ang kanyang concert na Jaya Memories...25 sa Sunday Night Box Office (SNBO).

Ibibirit ni Jaya ang mga pinasikat niyang kanta na hitik sa hugot, at ilang mga kanta mula sa international artists. Samahan siya sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan, mula sa pagpasok niya sa industriya, hanggang sa makamit ang katanyagang mayroon siya sa kasalukuyan. Isang pasasalamat ang concert na ito para sa kanyang mga fans na walang sawang sumuporta sa kanya.

Mas nagningning ang gabi sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino dahil sa pasabog na pagtatanghal ng Fearless Diva Jonalyn Viray at Faith Cuneta.

Kasama rin sa kantahan ang pinakamalalapit na mga kaibigan ng Soul Diva, ang Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, King of Soul Janno Gibbs, at Singer-songwriter Ogie Alcasid.

Hindi dapat palampasin ang Jaya Memories...25 sa SNBO ngayong Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA.

vuukle comment

FAITH CUNETA

FEARLESS DIVA JONALYN VIRAY

GRAND BALLROOM

JAYA

JAYA MEMORIES

JESSICA SOHO

KAPUSO MO

KING OF SOUL JANNO GIBBS

LINGGO

SOUL DIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with