^

Pang Movies

Dahil may gagawing teleserye: Xian at Kim malapit na raw mag-on!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Xian Lim sa Aquino & Abunda Tonight, malapit na raw siyang sagutin ni Kim Chiu.

“Malapit na, nararamdaman ko na,” say ng aktor.

Kinumpirma rin ito ni Kim nang makausap siya ng press sa isang event.

“Malapit na, konti na lang, konting push na lang,” say ni Kim.

So, hindi pa talaga sila, ha?

Anyway, naghahanda na ang magka-love­team sa bagong seryeng pagsasamahan nila sa ABS-CBN. Bale reunion project nila ito dahil huli pa nilang TV series ay Ina, Kapatid, Anak noong 2013.

Second quarter of 2015 ieere ang bagong serye nina Xian at Kim.

Nikki last year pa inalok ng kasal ng bf na negosyante

Sumali na rin si Nikki Gil sa usung-usong “engagement” ngayon sa showbiz. Engaged na rin pala siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si BJ Albert, pamangkin ng singer na si Joey Albert.

Kinumpirma ito mismo ni Nikki sa exclusive interview niya sa Bandila aired last Friday night.

“I’m confirming it, yes, I got engaged last year,” sabay pakita ng kanyang engagement ring,” pahayag ni Nikki.

Naganap daw ang wedding proposal last Dec. 13, 2014.

“First, he asked my parents. Then, siyempre, may pakulo na may corporate event ako. Pagdating do’n, he. . .(proposed). I said “Yes” and nun medyo na-sink-in na sa akin, all of my friends came out,” kuwento ni Nikki.

Isang taon pa lang ang relasyon nila ni BJ at ayon kay Nikki, wala naman daw ‘yun sa number of years. Matagal na raw silang magkaibigan ni BJ and mahaba na rin daw ang history nila. Say pa ng dalaga, answered prayer ang boyfriend sa kanya.

This year din nakatakdang ikasal si Nikki at si BJ kaya this early, we expect two more showbiz weddings after Heart Evangelista and Sen. Chiz Escudero on Feb. 15 and Patrick Garcia and Nikka Martinez on March – kina Toni Gonzaga and Paul Soriano at ito nang kay Nikki.

Congrats sa inyong lahat!

Titulo ng pinagbibidahang serye ni Janella galing din mismo sa ‘kanya’

Bilang pasasalamat sa mataas na ratings ng Oh My G! na pinagbibidahan ni Janella Salvador, magkakaroon ng mall show ang serye na dadaluhan ng mga cast.

Ngayong Sunday, Feb. 8, 5 p.m. ay dadayo sila sa SM Ma­rilao, Bulacan at siyempre, naroroon si Janella para magbigay ng kasiyahan sa lahat ng fans kasama ang mga co-stars niyang sina Marlo Mortel, Manolo Pedrosa, Edgar Allan Guzman and Sunshine Cruz.

As we all know, biggest break ni Janella ang Oh My G bilang lead role. Una siyang nabigyan ng oportunidad sa Be Careful with my Heart at dito nga sumikat ang expression ng karakter niyang “Oh My G!” na naging dahilan din para bigyan siya ng sarling serye ng management at gawing titulo ang nasabing expression.

Sa ilang beses naming nakikita in person itong si Janella, kapansin-pansin na mabait siyang bata at mukhang maganda ang pagpapalaki ng nanay na si Janine Desiderio. We just wish na huwag sanang mabago ng kasikatan ang kanyang magandang attitude.

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

BE CAREFUL

CHIZ ESCUDERO

EDGAR ALLAN GUZMAN AND SUNSHINE CRUZ

FEB

HEART EVANGELISTA AND SEN

JANELLA

NIKKI

OH MY G

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with