^

Pang Movies

Epi papatay ng ‘anak’ para makakubra ng pera sa insurance

Pang-masa

MANILA, Philippines - Gagampanan ni Epi Quizon (Ador) ang isang lalaking gipit na gipit sa buhay kaya mapipilitang patayin ang kinupkop na batang paslit kapalit ng malaking halaga mula sa insurance ngayong Sabado (Feb. 7) sa Ipaglaban Mo.

Natagpuan ni Ador ang batang kalyeng si Tolits isang gabi at kinupkop ito para magtrabaho sa kanyang babuyan. Nang makita ng insurance agent na kababata ni Ador na si Asiong (AJ Dee) si Tolits, nakaisip ito ng isang ka­kila-kilabot na plano--- ang ibili si Tolits ng life insurance bilang anak ni Ador at pagkatapos ay patayin para makakuha ng malaking pera.

Malaki noon ang pangangailangan ni Ador sa pera. Una dahil magastos ang gamot ng totoong anak niyang sakitin, at ikalawa, dahil nanganganib na kunin ng bangko ang babuyan niya.

Pumayag si Ador sa plano ni Asiong at kinun­tsaba nila ang kaibigang si Benny (Michael Roy Jornales) para dalhin sila sa isang beach resort sa malayong probinsiya, kung saan nila planong patayin si Tolits.

Ngunit bago pa mangyari ang maitim na balak ay dumating ang tiyahin ni Tolits para bawiin ito sa kanila. Dahil dito, ibang batang kalye ang mapagdidiskitahan nila at papatayin.

Paano nahuli ang mga salarin? Anong bahagi ng kwento ang isisiwalat ni Ador sa detective na si Gabriel (Arjo Atayde) na babago sa takbo ng kaso?

Huwag palampasin ang Ipaglaban Mo ngayong Sabado (Feb. 7) pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

vuukle comment

ADOR

ARJO ATAYDE

ASIONG

EPI QUIZON

FEB

IPAGLABAN MO

MICHAEL ROY JORNALES

SABADO

TOLITS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with