^

Pang Movies

Dahil sa bisyo, male celeb mukhang kuya na ng kaibigang male celeb din

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Malakas pa rin ang insecurity ng male celebrity na ito sa kanyang kaibigan na male celebrity din kaya lahat na lang ay ginawa niya para mas magmukha siyang bata rito.

Ayon sa aming source, nakailang beses na raw magpa-botox si Male Celebrity A (MCA) para mawala ang mga linya nito sa mukha. Dala na rin kasi ng bagong bisyo niya kaya bumalik ang mga wrinkles nito.

Nakapagpa-lipo na nga raw ito two years ago dahil matagal na siyang inggit kay Male Celebrity B (MCB) dahil tila hindi nga raw nadaragdagan ng timbang ito. Siya raw ay kumain lang minsan ng matamis ay bumibigat na agad.

Napag-alaman ng aming source na naging bisyo na raw ni MCA ang uminom.

Na-develop niya ang bisyong ito noong nasa ibang bansa siya at walang trabaho na makaka-sustain ng nakagisnan niyang lifestyle sa showbiz.

Naging libangan daw niya ang uminom kasama ang ilang mga kaibigan kaya naman nadagdagan ang timbang niya at mukhang haggard ang mukha niya.

Ang kinaiinggitan kasi niyang si MCB ay healthy ang lifestyle dahil may nag-aalaga rito. Nababantayan ang kinakain nito at iwas ito sa anumang bisyo na makakasama sa katawan niya.

Kaya naman kahit na magkaedad sina MCA at MCB, mas ‘di hamak na mukhang bata si MCB at nagmumukhang nakakatanda niyang kapatid si MCA.

Julian ibang level na

Lumipad for Korea ang Kapuso teen actor na si Julian Trono dahil magge-guest siya sa TV show roon na Show Champion.

Napili si Julian ng JU Entertainment Music & Contents Inc. at ide-develop nila ito para sa mga future projects na may kinalaman sa K-Pop.

Ilang buwan na nag-train si Julian sa ilalim ng isang Korean team para sa singing at dancing ala-K-Pop.

Kasalukuyang inaayos na ang ire-record na single ni Julian pati na ang music video na isu-shoot ni Albert Langitan.

“Mas una po akong nakilala as a dancer, so big leap ito para sa akin. And for the past couple of months I’ve been under serious training.

“Gusto ko ngang i-choreograph ang dance steps for the music video. Pero sabi nila na gusto nila ng Korean touch. Pero ang ganda ng experience na ‘to, kasi kumbaga ‘yung mga ideas ko, nagma-materialize into something big like this,” pagtatapos pa ni Julian Trono.

Kaisa-isang anak nina Whitney Houston at Bobby Brown wala pa ring malay!

Pinagsabihan na ng mga doctor ang pamilya ni Bobbi Kristina Brown na ihanda na nila ang kanilang sarili para sa worst na mangyayari rito.

Hanggang ngayon kasi ay unresponsive pa rin ang nag-iisang anak nila Whitney Houston at Bobby Brown pagkatapos siyang matagpuan walang malay sa bathtub nito sa kanyang bahay sa Atlanta, Georgia.

Nakalagay sa isang medically induced coma si Bobbi Kristina.

Lumipad agad sa tabi ng kanyang anak si Bobby Brown noong mabalitaan niya last January 31 ang nangyari sa kanyang anak.

Kung matatandaan ay noong February 2012 ay natagpuang patay si Whitney Houston sa isang bathtub sa Beverly Hills Hotel.

Nakiusap si Bobby sa media na bigyan muna sila ng privacy para malaman nila ang kanilang gagawin sa situwasyon ni Bobbi Kristina.

“Privacy is requested in this matter. Please allow for my family to deal with this matter and give my daughter the love and support she needs at this time.”

Ayon sa report ay drug overdose ang naging dahilan ng pagkawala ng malay ni Bobbi Kristina.

Meron ngang search warrant ang local police para ma-search and investigate nila kung ano ang mga droga na ininom ni Bobbi Kristina kung bakit ito nawalan ng malay sa bathtub.

vuukle comment

ALBERT LANGITAN

AYON

BOBBI KRISTINA

BOBBY BROWN

JULIAN TRONO

NIYA

PARA

WHITNEY HOUSTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with