^

Pang Movies

Charot lang na ayaw pakasalan ang aktres?! John Lloyd ayaw ipag-ingay ang paglagay nila sa tahimik ni Angelica

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nagsalita na si John Lloyd Cruz tungkol sa mga pahayag ng girlfriend na si Angelica Panganiban na nagpaparinig na siya ng proposal sa aktor.

Sa panayam ni Lloydie sa The Buzz ay sinabi niyang kapipirma lang niya ng kontrata sa ABS-CBN kaya mas priority niya siyempre sa ngayon ang magtrabaho at tapusin ang kontrata.

Pumirma si Lloydie ng another three years sa ABS-CBN last Thursday so certified Kapamilya pa rin ang aktor. Matatandaang nagkaroon ng alingasngas na lilipat siya ng network nang tanggihan niya ang Bridges teleserye na pagsasamahan dapat nila nina Jericho Rosales and Maja Salvador.

Napabalita rin noon na nagdadalawang-isip siyang mag-renew ng contract at say pa niya, magbabakasyon muna sila ni Angelica sa US at doon niya pag-iisipan ang lahat.

Obvious na nakapag-isip nga si Lloydie sa US dahil pagbalik niya ay nag-renew siya ng kontrata sa Kapamilya.

Kaya nga mukhang hindi pa talaga siya pakakasal.

“At this point, kakapirma lang natin, ‘di ba? I’d like to show my bosses na nasa top priority natin ngayon ang trabaho and gusto natin ma-achieve yung content ng kontrata. Maka-deliver tayo sa pinirmahan natin, sa commitment natin sa network.”

Pero siyempre, gusto rin naman daw niyang luma­gay sa tahi­mik pero hindi naman daw ibig sabihin nu’n ay magpapakasal na. At aminado siyang nakakaramdam na rin daw siya ng pressure.

“I am not getting any younger, I’m 31. Imposible naman na hindi ko maramdaman ‘yung pressure, but it’s good to know your priorities and sabi nga nila, buti lalaki ka, kasi mas madali raw sa lalaki, ‘di ba?” he said.

We just don’t know kung anu-ano ang mga bagong proyektong gagawin ni Lloydie sa ABS-CBN. Ang mga fans ay umaasaang something big ang kanyang next project.

Jennylyn umaapaw ang biyaya

Pagkatapos ng big success ng English Only, Please, may dalawa pang susunod na pelikulang pagsasamahan sina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay.

Ang isa ay sequel ng EOP at ang isa naman ay mula sa Viva Films. Dahil dito, parang nagkaroon na naman ng panibagong loveteam si Jen sa katauhan ni Derek.

Happy and thankful naman ang aktres na tinanggap talaga ng bonggang bongga ang tambalan nila ni Derek. Maganda rin daw kasi ‘yung nabibigyan siya ng chance na magkaroon ng ibang leading man outside GMA-7.

Dahil sa tagumpay ng EOP at pagkakapanalo niya as Best Actress sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF), ang ganda ng pasok ng 2015 para kay Jen.

Ang dami niyang offers ngayon at sunud-sunod ang trabaho na siyempre ay ipinagpapapasalamat niya.

Fully-loaded ang schedule ni Jen ngayon. MWF ay nagte-taping siya ng serye niyang Second Chances currently airing on primetime slot of GMA-7, Tuesdays and Thursdays naman ay nagre-rehearse siya ng upcoming pre-Valentine Concert na Oo Na! Ako na Mag-isa! Samahan N’yo Naman Ako na gaganapin sa Feb. 13 sa SM Skydome plus dito rin niya isinisingit ang mga endorsement shoots and singing engagements. ‘Pag Saturdays naman ay nagte-taping siya ng kanyang cooking show Sarap with Family sa GMA-7 at ‘pag Sunday naman ay nasa Sunday All Stars Siya.

Samantala, sa mga gustong bumili ng tickets para sa concert ni Jen sa Feb. 13, available ito sa lahat ng SM Tickets outlet or you may call 472-0222.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

BEST ACTRESS

DAHIL

DEREK

DEREK RAMSAY

LLOYDIE

NAMAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with