^

Pang Movies

Aktres malabo nang mag-renew ng kontrata sa top network, demands hindi raw pinagbibigyan ng management

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magtatapos na ang kontrata ng isang aktres sa isang top TV network, pero mukhang malabo pa ang renewal niya.

Hindi pa yata nagkakasundo sa terms and conditions.

Mukhang mismong ang aktres ay may dudang magkakaroon kaagad ng pirmahan para sa renewal ng kontrata niya sa kanyang mother network.

Naibulalas minsan ni aktres sa isang kaibigan na may doubts siya tungkol sa renewal ng kontrata niya dahil maging ang isang top actor ng nasabing top TV network ay hindi pa rin daw nakakapirma ng renewal ng kontrata nito dahil ayaw “bumigay” ng big bosses ng kanilang TV network sa mga kundisyon nito sa bagong kontrata.

Kung ang top actor na nga ng top TV network ay nahihirapan sa kanyang demands, paano pa kaya si aktres?

So, if ever, isa lang kaya siya sa mga artistang hindi pa magkakakontrata sa top TV network na ‘yon?

Clue? Read between the paragraphs na lang at obvious naman kung sino si aktres.

MJ malakas ang tunog na mananalo

Marami ang umaasang si MJ Lastimosa ang mag-uuwi ng korona ng Miss Universe sa taong ito (walang Miss Universe beauty pageant noong 2014).

Si MJ kasi ang nanguna sa swimsuit competition ng tinaguriang most prestigious beauty pageant.

Bukas na ang coronation night ng Miss Universe (bale Linggo sa Amerika) at dahil sa magandang standing ni MJ sa nasabing beauty pageant, biglaan daw ang pagpapadala ng TV5 sa entertainment correspondent nilang si MJ Marfori para mag-cover doon ng highlights and sidelights ng Miss Universe at baka nga naman ma­nalo si MJ Lastimosa.

Annabelle nag-aalaga ng kapamilyang may sakit sa Cebu

Missing in action si Annabelle Rama sa birthday party ng twins niyang sina Richard at Raymond Gutierrez sa Valkyrie Nightclub noong Miyerkules.

Hanggang kagabi, nasa Cebu pa rin si Bisaya.

May health crisis ang isang kapamilya ni Bisaya at hindi puwedeng wala siya sa Cebu para mag-asikaso sa taong ‘yon.

Mismong sina Richard at Raymond ang nagsabi sa ina na unahin na ang pag-aalaga sa kapamilya nila kesa maki-party pa sa kanila sa Valkyrie Nightclub.

Nang makausap ko kahapon si Bisaya, sinabi niyang hindi pa siya sigurado kung kailan makakauwi ng Maynila.

Ang health crisis ng isang kapamilya niya ang dahilan kung bakit ilang araw na sa Cebu ang Gutierrez matriarch at mali ang duda ng iba na baka naghahanda uli siya para kumandidatong representative ng isa sa dalawang district ng nasabing lungsod.

 

vuukle comment

AMERIKA

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

BISAYA

CEBU

LASTIMOSA

MISS UNIVERSE

RAYMOND GUTIERREZ

VALKYRIE NIGHTCLUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with