^

Pang Movies

Problema ng superstar hindi na natapos Ate Guy pinagbabantaang papatayin ng pinsang idinemanda!

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos ang magagandang nangyari sa showbiz career ng Superstar na si Ms. Nora Aunor ay puro problema naman ang dumarating sa kanya ngayon. Kamakailan lang ay napabalitang naghiwalay na naman sila ng confidante niyang si Boy Palma sa hindi alam na kadahilanan at laging si Kuya Germs ang umaalalay sa kanya. Pero ngayong nasa banig ng karamdaman si Kuya Germs, sino naman ang umaalalay sa kanya?

Kamakailan lang ay may lumabas na balitang si Ate Guy mismo ang nagkukuwento na may death threat daw siya mula sa pinsang idinemanda niya. Ayon sa info na nakuha namin ay tine-text daw siya at pinagbabantaan dahil sa kasong isinampa. Nag-aalala man ay hindi raw siya natatakot at ginagawa niya lang daw ang tama. Ito ay nag-ugat sa pagbebenta ng pinsan ng 10 hectares na ari-arian ni Ate Guy sa Bicol nang hindi niya nalalaman.

Angelica, si John Lloyd na ang gustong mapangasawa

Inamin ni Angelica Panganiban sa presscon ng pelikulang That Thing Called Tadhana na pa­min­san-minsan ay napag-uusapan na nila ng kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz ang tungkol sa pagpapakasal. Nasa edad na rin naman sila, al­though marami pa silang mga gustong gawin sa career nila. Ito ay pumapasok lang daw sa isipan nila kapag may mga kakilala silang ikakasal.

Ayon kay Angelica ay sinabi niya kay Lloydie na kung ito ay magpu-propose, ayaw niyang sa harap ng maraming tao o gawin itong isang event. Mas maganda raw kung pribado ang proposal kasama ang mga kamag-anak nila at malalapit na kaibigan. Sa tingin niya ay mas sincere daw ang ganoong paraan na walang maingay na selebrasyon.

Noong 2012 ay isinapubliko nila ang kanilang relasyon. Gaya ng mga normal na relasyon, dumaraan din sila sa maraming pagsubok pero ang importante ay nalalagpasan nila ito. Pareho na silang close sa kani-kanilang mga pamilya na parang isang buong pamilya na rin. Natatandaan ko noon na sa kasagsagan ng problema ni Angelica sa isyu sa ex wife ni Derek Ramsay ay hindi iniwanan ni John Lloyd ang girlfriend. Papunta sana si Lloydie sa LA para sa isang event pero inurong niya ang pag-alis para alalayan si Angelica.

Kaya feeling ni Angelica ay si Lloydie na ang makakasama niya habambuhay at nag-e-effort sila na mapanatili ang magandang relasyon na maging forever at ‘til death do us part ang drama. Talbog!!!

Regine, Lani, Martin at Gary hindi na nagpapatalbugan

Sa edad nilang ‘yan kailangan pa ba ang competition? Marami na silang napatunayan at hindi na kailangan ‘yan. Ito ang aming pananaw sa upcoming Ultimate concert nina Regine Velasquez, Lani Misalucha, Martin Nievera at Gary Valenciano na gaganapin sa MOA Arena sa Feb 13 and 14. Ang apat ay may kanya-kanyang istilo at may sariling fans. Kaya nga maganda ang concert na ito na pinagsama-sama silang apat.

Matagal na sila sa business na ito at aminado namang hindi na sila bumabata. Ang importante ay na-sustain nila ang ka­nilang kasikatan na nariyan pa rin at ki­na­papanabikan ng kanilang fans. Pero aminado si Martin na may mga bagong sumibol na magagaling na singer pero nagpapasalamat silang andiyan pa rin sila.

Sa nasabing concert ay si Rowell Santiago ang director.

Gaya ng mga nakakaraang taon, maraming concert ang nagaganap tuwing Araw ng mga Puso kaya kinakailangan nilang mag-ingay para aware ang tao na may Ultimate Concert silang apat.

Shalala apektadong-apektado sa pagkakasakit ni Kuya Germs

Maluha-luha ang birthday celebrator na si Shalala nang mabalitaan niya ang pagkakasakit ng Master Showman na si Kuya Germs. Si Shalala na lumipat noon sa TV5 na ikinasama ng loob ni Kuya Germs ay tinanggap muli ng huli sa Walang Tulugan with the Master Showman na napapanood tuwing Sabado ng gabi. Alam naman ng lahat na si Kuya Germs ang nagpasikat kay Shalala at siya mismo ang nagbigay sa kanya ng kanyang screen name. Kaya sobrang ipinagdamdam ni Shalala ang pagkakasakit ng discoverer na wish niyang maka-recover agad.

Dinalaw ni Shalala si Kuya Germs nang nasa ospital pa ito at medyo ninerbyos siya sa kanyang nadatnan. Pero laking tuwa raw niya nang makitang maayos si Kuya Germs at walang nabago sa hitsura nito. Kailangan lang talaga nitong magpahinga at magpagaling bago bumalik sa trabaho. Nasa bahay na si Kuya Germs at doon na lang nagpapalakas.

Bubble Gang pantanggal stress sa isang linggong kadramahan

Biyernes na naman at Bubble Gang time na naman para ma-relieve sa limang araw na drama sa teleserye. Iba’t ibang segment at kalokohan na naman ng gang ang mapapanood mamayang gabi sa GMA-7.

vuukle comment

ATE GUY

BUBBLE GANG

GERMS

KUYA

KUYA GERMS

NIYA

SHALALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with