^

Pang Movies

Kahit hindi umaamin na magdyowa na Angeline isang linggong hindi kinausap si Erik dahil sa selos

- Vinia Vivar - Pang-masa

Inamin ni Erik Santos sa Kris TV last Tuesday na sobrang nagselos daw si Angeline Quinto kay K-La Rivera nang imbitahan niya ito last year sa kanyang birthday celebration.

Dahil dito ay isang linggo raw siyang hindi ki­nausap ni Angeline.

Kuwento ni Erik, nagkaroon daw siya ng birthday party at hindi nga naka-attend si Angeline dahil may taping daw yata ito.

“So in-invite ko lahat ng mga closest friends. Pero meron kasing in-invite ako na hindi niya type,” kuwento ni Erik na noong una’y hindi binabanggit na si K-La ang tinutukoy niya.

Dumepensa naman agad si Angeline.

“Hindi naman sa hindi ko type. Hindi ko kasi alam na nandoon,” paliwanag ni Angeline.

Diretsa nang tinanong ni Kris kung sino ‘yun at may nagsabi marahil from the staff kung sino si K-La at napatawa si Erik.

“Ah, ‘yung ex ni Tom Rodriguez?” ask pa ni Kris.

Nang tanungin si Angeline kung paano niya nalaman na nandoon sa party si K-La, say niya ay may nag-send daw sa kanya ng picture at sobrang sweet daw kasi ng dalawa sa larawan.

“Kasi nu’ng na-receive ko po ‘yung picture na ‘yun, nasa out of town ako, tapos sinend ko sa kanya (Erik) ‘yung picture na ‘yun, sabi ko, “ang sweet n’yo naman.”

Deskripsyon ni Angeline, medyo magkayakap na raw nang kaunti sina K-La at Erik sa picture. Panay naman ang palag ni Eric. Sina Kris and Carmina Villaroel naman, panay ang sulsol kay Angeline at talagang pinapagalitan si Erik.

Aminado naman si Erik na may mali nga siya roon kaya naman pinagdusahan niya dahil one week talaga siyang hindi binati ni Angeline.

When asked kung paano niya sinuyo si Angeline that time, “everyday, tine-text ko kahit hindi siya sumasagot. Hindi ko siya tinitigilan. Hanggang sa pumunta kami ng US, hindi kami magkatabi sa bus.”

Pero say ni Angge (tawag kay Angeline), nakunsensiya rin naman daw ­siya kaya noong araw ng birthday nito sa US, binig­yan niya raw ito ng cake.

“Tapos naiyak ako kasi pinansin na niya ako, kasi ang hirap na one week kang hindi pinapansin,” say ni Erik.

Kaaliw si Angeline. Selosa pala siya.

Pero teka, parang wala kaming natatandaang umamin na silang mag-on na, pero may selosan nang nagaganap?

Kaya pinaboran sa pag-aartista Nico itinuloy ang frustration ng ina

Graduate ng Law ang Star Magic talent na si Nico Antonio at anak ng producer na si Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films, pero mas passion niya ang pag-arte kaya naman desidido siyang dito na lang siya sa showbiz at ayaw na niyang maging professional lawyer kaya hindi na raw siya magte-take ng bar exams.

“Kasi, dalawa na ‘yung kapatid kong abogado, eh, so sila na lang. Saka, walang hahawak ng Quantum, eh,” he said nang makatsikahan namin sa presscon ng M starring Zsa Zsa Padilla.

Hindi naman daw masasabing nasayang ang pinag-aralan niya dahil puwede pa rin naman daw niya itong i-apply sa pagpapatakbo ng kanilang produksyon tulad daw ng mga kontrata at iba pang legalities.

Ang balak niya ay mag-aral na lang daw ng Filmmaking this school year sa UP.

Ang Mom na rin daw niya ang nagsabi na mag-focus na lang siya sa Quantum Films at sa pag-aartista dahil kailangan din daw niyang magtrabaho since may pamilya na siya.

Pagbubuking niya, frustrated actress daw ang nanay niya kaya gusto siyang mag-artista.

Gusto rin daw niyang maging direktor kaya kukuha siya ng Filmmaking.

Pero bilib din kami kay Nico dahil kahit nag-aartista siya ay napagsabay niya ang pag-aaral.

Sa pelikulang M ay ginagampanan ni Nico ang papel na anak ni Zsa Zsa na closet queen. Ilang beses na rin siyang gumanap na gay and in fact, maging sa huling teleserye niya na Dyesebel ay gay siya.

May takot din siya na ma-box siya sa gay role kaya iniba-iba rin daw niya ang atake niya kahit bading ang kanyang papel.

vuukle comment

ANGELINE

DAW

ERIK

K-LA

NAMAN

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with