^

Pang Movies

Ronnie Ricketts suspendido pa rin sa OMB

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Akala namin ay tapos na ang suspensyon ni Ronnie Ricketts bilang chairman ng Optical Media Board (OMB) at ngayong Enero 2015 ay makakabalik na siya sa puwesto. Ayon sa secretary niya sa OMB office, six months ang suspension niya at nagsimula ito last October 2014 at magtatapos sa March 2015.

Kung hindi man naging maganda ang nakaraang taong 2014 kay Ronnie, naniniwala kaming magiging maayos na ang lahat ngayong Year of the Sheep.

Aktor na pinaghihinalaang bading, kuNG anu-anong pralala sa dating ka-loveteam

Dati nang may ka-loveteam ang aktor na ito noong nag-uumpisa pa lang siya sa showbiz. Akala nga ng fans nila ay magdyowa ang dalawa. Pero never naman niyang niligawan dati ang aktres na ngayon ay may asawa na. Abala siya sa ibang bagay hanggang sa mabalitaan na lang na nagkaroon siya ng anak sa ibang babae na never niyang ipinakilala. Hindi naman daw kasi ito showbiz kaya tikom ang kanyang bibig.

Pero ngayong ibinalik ang kanilang loveteam, siya naman ang nagpa-pralala na niligawan niya talaga dati ang aktres pero hindi lang siya pinansin.

Kalat sa showbiz na gay siya sa tunay na buhay. Pero ngayon pa ba siya lalantad kung kailan siya gurang na? Naloka ang kanyang dating ka-loveteam dahil sa inaasal ngayon ng aktor. Hindi kasi siya nagka-crush dito kahit kailan at for show lang daw ang ipinapakita niyang sweetness dito.   

                                 

vuukle comment

ABALA

AKTOR

AYON

DATI

OPTICAL MEDIA BOARD

PERO

RONNIE RICKETTS

SIYA

YEAR OF THE SHEEP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with