^

Pang Movies

Pero hindi totoong 30 lbs. ang nabawas Sharon kita na ang epekto ng pagpayat

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakita si Sharon Cuneta sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City noong isang gabi.

Dinalaw ng Megastar ang tatay-tatayan niya sa showbiz na si German Moreno.

Isang assistant lang ang kasama ni Shawie nang dalawin niya si Kuya Germs. Malaki na ang ipinayat ng Megastar, pero hindi raw totoong 30 lbs. na ang nabawas sa timbang ng nanay ni KC Concepcion.

Ayon sa isang nakausap ni Shawie, 16 lbs. na ang nabawas sa timbang ng Megastar at 30 lbs. nga raw ang target ng misis ni Francis “Kiko” Pangilinan na mabawas sa timbang nito.

Obvious na raw ang 16 lbs. sa nabawas na timbang kay Shawie.

Masaya naman daw ang aura ng Megastar at malayo na sa “depression stage” na madalas niyang i-post noon sa kanyang Facebook account.

Nagawa pa nga raw biru-biruin ni Shawie si Kuya Germs.

“’Tay, tayo ka na d’yan!” sabi pa raw ni Shawie kay Kuya Germs at akma naman daw na tatayo ang tinaguriang Master Showman ng Philippine showbiz.

Dagdag pa ng source, malaking bagay daw ang nagawa ng pagbisita ni Shawie sa kanyang tatay-tatayan. Bigla raw sumigla si Kuya Germs.

Kuya Germs tuloy na tuloy na sa pagpapaalaga sa mga kamag-anak na doctor sa Amerika

Tuloy ang plano ni Federico Moreno na dalhin ang amang si Kuya Germs sa Amerika.

Bakasyon at rehab na rin ang gagawin ni Kuya Germs sa Amerika.

Maraming mga doktor na kamag-anak si Kuya Germs sa California at mas matututukan nila ang pagre-rehab doon ng TV host/comedian para tuluyang maka-recover ito pagkatapos na ma-mild stroke after ng New Year.

Kung kailan pupunta ng Amerika, ‘yon daw ang pag-uusapan pa nila ng kanyang tatay, ayon kay Fede­rico.     

Pacman ibabahagi kung paano ang sex life kapag may laban!

Patuloy pa rin ang MP Featuring Sport Science show ng pambansang kamao na si Cong. Manny Pacquiao sa home network niyang GMA-7.

Napapanood ‘yon once a month sa SNBO ng Kapuso network at may bago silang episode sa Linggo kung saan ay sasagutin nila ang sex myth sa boxing.

Noon pa kasi pinag-uusapan na masama ang makipagtalik bago makipaglaban.

Noon nga, may mga nagtatanong pa kay Manny kung paano ang sex life nila ng misis na si Jinkee Pacquiao kapag may boxing fight siya?

At ngayong Linggo nga, deretsong sasagutin ng MP Featuring Sport Science ang tungkol sa sex myth na ‘yon.

vuukle comment

AMERIKA

FEATURING SPORT SCIENCE

FEDERICO MORENO

GERMS

KUYA

KUYA GERMS

MEGASTAR

SHAWIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with