^

Pang Movies

Paolo ibinuhos ang oras sa bar para makalimot sa sex scandal

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Two months nang may bar business si Paolo Bediones na Punta Bar sa may Shaw Boulevard. Ang Punta ay pronounced as “Punyeta”. Bakit ganun ang pangalan ng bar niya? “It’s catchy and easy to remember,” sabi ng TV personality.

Hanggang ngayon ay ayaw pa ring pag-usapan ni Paolo ang sex video scandal niya na pinag-usapan sa apat na sulok ng showbiz. Hindi na namin itinanong sa kanya kung bakit hindi na siya ang co-host sa Aksyon Tonite na panggabing news program ng TV5. Si Ed Lingao na ang pumalit sa kanya na co-host ni Cheryl Cosim.

Payat ngayon si Paolo na mukhang dinamdam ang nangyari sa kanyang career dahil sa kinasangkutang sex video scandal. Pero ang bar business niya ang fallback ngayon ng magaling na news anchor.

Robin hindi pa rin matanggap ang pagkatalo kay Derek

Todo-suporta kay Derek Ramsay ang TV5 sa mga bumabatikos sa kanyang pagkapanalong Best Actor sa nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2014 Gabi ng Parangal. Pero talagang deserving siyang manalo as best actor more than any other contender. Si Robin Padilla lang naman ang naghihimutok dahil gusto niyang siya ang manalong best actor.

Para ipakita ng TV5 na versatile actor si Derek, may bago siyang sitcom na Mac and Chiz. Kasama niyang magpatawa rito si Empoy. Tingnan natin kung kaya ni Derek maging comedian.

Good Luck!

Janella masusubukan kung papatok na bida

Sa grand presscon ng Oh My G! humarap sina Janella Salvador, Mario Mortel, Manolo Pedrosa, Dominic Ochoa, John Arcilla, Edgar Allan Guzman, at Janice de Belen, kasama ang direktor ng seryeng si Roni Velasco. May iba’t iba silang kuwento tungkol sa makabagong feel-good drama series na magsisimula ngayong Lunes, January 19.

Espesyal para kay Janella ang Oh My G! dahil ito aniya ang unang major lead role niya sa telebisyon.

“Hiniling po nila kay Ma’am Charo (Santos-Concio) na gumawa ng isang teleserye tungkol sa mga aral ni St. Teresa of Avila. Kaya sigurado po kaming maraming matututunan ang mga kabataang tulad ko tungkol sa pagpapakumbaba, pagmamahal sa kapwa, at pagkakaroon ng simpleng pamumuhay,” sabi ni Janella.                

 

vuukle comment

AKSYON TONITE

ANG PUNTA

BEST ACTOR

CHERYL COSIM

DEREK

DEREK RAMSAY

JANELLA

OH MY G

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with