^

Pang Movies

Jennica maselan ang pagbubuntis, bed rest muna at naka-wheelchair pa ‘pag lumalabas

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Bed rest din pala ang bilin ng doctor sa anak ni Jean Garcia na si Jennica dahil delikado ang pagbubuntis nito na 3 months na ngayon.

High risk ang kalagayan ni Jennica dahil nagbi-bleed ito, kaya pinagpapahinga rin ng doctor at binawalang ma-stress o mapagod. Kaya stop din muna ang kanyang business at pagbi-bake. Pero hindi pa rin mapigilan ang mga kamay ni Jennica dahil ang pagbubuntingting naman ng gantsilyo ang inaatupag nito, kung saan gumagawa siya ng mga plush toys for babies. Kasali sana si Jennica sa project ng ABS-CBN na OMG! (Oh My G!), pero bigla niyang nalamang buntis siya kaya minabuti niyang ‘wag nang ituloy ang proyekto.

Ngayon kapag kailangan lumabas ay naka-wheelchair pa ang aktres.

Busy naman ang kanyang asawa na si Alwyn Uytingco sa mga programa nito sa TV5 at may ginagawa ring indie film habang naghahanda sa panganganak ng misis niya sa July.

Kuya Germs madaldal at maingay pa rin kahit nakaratay sa ospital

Nanghihingi ng paumanhin ang anak ni Kuya Germs Moreno na si Federico at pamangkin ng Master Showman na si John Nite kung nililimitahan nila ang mga gustong bumisita sa veteran TV host, dahil kinakailangan pa raw nitong makapagpahinga nang husto.

Pero kahit nagpapagaling ay maingay pa rin daw si Kuya Germs. Madaldal daw ito at palakuwento pa rin kahit noong nasa ICU pa lang ito sabi ng PA niyang si Tito Noli.

Any moment din daw ay puwede na raw ilabas si Kuya Germs, pero kailangan pa rin nitong magpa-therapy.

Nagpapasalamat si Kuya Germs sa lahat ng panalanging ipinaabot sa kanya na patuloy na nagpapalakas sa kanya at sa kanyang pamilya.

Kaya pati ang mga sekretarya ni Kuya Germs ay naalarma at nagsipagpa-check up at maingat na sa kanilang mga kalusugan dahil mga senior citizen na rin ang mga ito. First time na hindi napanood si Kuya Germs sa kanyang show na Walang Tulugan.. kagabi sa GMA-7 na sinalo naman ng kanyang mga naiwang co-host. Pero aminado pa rin silang iba pa rin siyempre ang presensiya ng nag-iisang si Kuya Germs.

vuukle comment

ALWYN UYTINGCO

GERMS

JEAN GARCIA

JENNICA

JOHN NITE

KUYA

KUYA GERMS

PERO

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with