^

Pang Movies

Para raw mga loro kung magtukaan Tuesday naloloka sa lambingan nina Robin at Mariel!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Sa pagbabalik ng Talentadong Pinoy ng TV5, maiinis’ na naman si Tuesday Vargas sa harutan at lambingan nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa harap at likod ng kamera.

‘Naloloka’ si Tuesday sa da­lawa dahil para raw loro kung magtukaan at maglambingan sa tuwing nakikita niya. Bilib na bilib si Tuesday kay Mariel sa pagmamahal at suportang ibi­nibigay nito kay Robin na parang hari kung ituring nito. Pati tuloy si Tuesday ay nahawa na kay Mariel, kaya ganun din daw ang sobrang pag-aasikaso at paglalam­bing niya sa kanyang asawa.

Masaya si Tuesday na kinuha siyang muli para maging host ng Talentadong Pinoy. Lagi raw       niyang ibinibigay ang kanyang best sa kahit ano’ng trabahong ibinibigay sa kanya ng TV5. Nagsimula siya bilang talent scout hanggang maging regular host na ng show. Na-encourage siya sa mga kuwento ng mga taong sumasali sa nasabing palabas  hanggang pumatok ang show ng TV5 last year. Kakaiba rin daw ang joy na nakukuha niya kaya lagi siyang inspired na magtrabaho bilang empleyado ng Kapatid Network. Sumusunod lang daw siya sa ipinag-uutos ng management at kahit daw i-assign pa siya sa pagse-set up ng ilaw ay masaya at malugod pa rin niya itong gagawin kung kinakailangan.

Happy din si Tuesday dahil nakasama niya ang kanyang mommy na umuwi pa galing ng Japan para makasama ang apo nito na nag-iisang anak nila ni Coy Placido. Nu’ng  Pasko ay umuwi sila ng Baguio kung saan sila nag-reunion kasama ang pamilya ng kanyang asawa na dating gitarista ng bandang Session Road.

Masarap at mahusay naman magluto si Tuesday na namana niya sa kanyang mommy. Specialty niya ang Asian Cusine. Nagbabalak silang mag-ina na magtayo ng negosyo at naghahanap na sila ng property na pagtatayuan ng kanilang business.

Wish ni Tuesday na masundan ang kanilang anak na 13 years old na pala. Pero kung hindi naman daw ipagkakaloob sa kanilang muli ay okey din naman sa kanilang mag-asawa.

vuukle comment

ASIAN CUSINE

COY PLACIDO

MARIEL

MARIEL RODRIGUEZ

NIYA

ROBIN PADILLA

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with