^

Pang Movies

Mr. & Mrs. Dantes huling pumipila sa mga shoppingan sa Rome

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ayaw ding magpaawat ang fans nina Dingdong at Marian Dantes. Matapos mag-post si Marian kahapon na kumakain sila ng napakalaking pizza with green salad sa Marziali Leona Caffe sa Salario, Rome, may nag-post na ring  Filipino fans in Rome, na nagsa-shopping na ang bagong kasal sa Via del Corso na description ay loads of shops with fashions and plenty of small bars na mata­tagpuan sa main street in the centre of Rome.

Nakunan silang nakapila dahil marami raw talagang nagsi-shopping doon.

Tuwang-tuwa ang fans dahil napakabait at napaka-simple raw ng mag-asawa at laging nakangiti sa mga bumabati sa kanila.

Next stop daw ng mag-asawa ang St. Peter’s Basilica sa Vatican City.

Entourage at makakalapit na media kay Pope binusising maigi sa Vatican

Maswerte ang mga media na magku-cover sa pagdating ni Pope Francis sa bansa sa January 15.  Ayon kay Kara David, napaka-blessed daw niya na na-assign siya ng GMA Network to cover the Pope’s visit at magsisimula pa sila sa Rome, kasama rin sila sa Sri Lanka in Colombo bago tumuloy sa Pilipinas.  Isa raw lamang eroplano ang sasakyan nila kaya wish niya ay mai-interpret nila nang tama ang bawat sasabihin ni Pope Francis.

Mahirap daw talaga at mahigpit bago sila nabigyan ng accreditation, ayon sa kuwento na rin sa amin ni Rev. Fr. Joey Faller na na-assign sa entourage sa final departure ni Pope Francis sa Villamor Airbase pabalik sa Rome.

Marami raw munang questions and interviews sa kanila, paghahanda ng papers na ipinadala pa sa Vatican bago sila pinayagang makasama sa entourage.

Pero sulit daw naman iyon dahil sa dinami-rami ng mga pari na gustong ma-meet nang personal si Pope Francis ay kabilang siya.

Acting ni Xian walang binatbat?!

After nga ba ni John Lloyd Cruz na tumangging gawin ang teleserye na Bridges ng ABS-CBN, na pinalitan naman ni Xian Lim, pero hindi raw nakapasa ang acting nito sa mga mahihirap na eksena kaya stop muna ang taping habang naghahanap pa ng ipapalit sa kanya. Finally, si Paulo Avelino na nga ba ang ikatlong choice for the role? Paano na ang bagong teleserye raw na gagawin niya after ng Chris­tmas drama special ng ABS-CBN na katambal niya ang girlfriend na si KC Concepcion? Pero ayon sa aming source, malamang daw na ang sinasabing teleser­yeng dapat gagawin ni Paolo ay ang ­Brid­ges na nga. Makakasama niya sina Edu Manzano, Car­mina Villarroel, Jericho Rosales, at Maja Salvador.

vuukle comment

EDU MANZANO

JERICHO ROSALES

JOEY FALLER

JOHN LLOYD CRUZ

KARA DAVID

MAJA SALVADOR

MARIAN DANTES

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with