^

Pang Movies

Piolo wala muna sa eksena, sina Sarah at Kim muna ang pagsasamahin sa pelikula

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nagbago pala ng plano ang Star Cinema na pagtambalin sa isang movie sina Piolo Pascual at Sarah Geronimo. Hindi na muna tuloy iyon dahil gusto nilang pagsamahin sa isang pelikula sina Sarah at Kim Chiu. Nakuha namin ang balitang ito kay Bb. Joyce Bernal na siyang magdidirek ng movie. Dapat daw ay sinimulan na nila iyon pero may ginagawa pang revision sa script. Wala pa rin siyang sinabi kung sino ang makakatambal ng dalawang young actress kapag sinimulan na nila ang movie.

Kaya ang pinagkakaabalahan muna ngayon ng Pop Princess na si Sarah ay ang nalalapit na big concert na Fusion 2015: The First Philippine Music Festival this coming January 30, 2015, sa SM Mall of Asia Concert Grounds in Pasay City. Ayon sa CEO and Fusion project director ng Carat Philippines na si Gladys Basinillo, inihanda nila ang concert to spotlight the beauty of OPM and the musical talent of the Pinoy artists in the show.

Bukod kay Sarah, tampok din sa music ma­rathon ang iba pang music icons na sina Bamboo, Rico Blanco, Noel Cabangon, and Joey Ayala, kasama pa rin sina Andrew E, Gloc 9, Ebe Dancel, Tres Marias, Kit­chie Nadal, and Barbie Almalbis. Tampok din ang top bands na The Dawn, Parokya ni Edgar, Kamikazee, Wolfgang, Sandwich. at 6cyclemind.

Tickets available at Ticket World, SM Tickets and Ticketnet. Ticket prices are VIP – P 1,000 and General Admission - P 150. For details, please call Carat Phil. Inc. at 750-0989.

Bianca sana’y nang hawak-hawakan ang kamay ni Miguel

Maraming kinilig nang mag-guest ang tween love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa Startalk last Saturday, to promote their new romantic-comedy series na Once Upon A Kiss na magsisimula nang mapanood mamayang gabi, pagkatapos ng More Than Words. Aminado si Bianca na very comfortable na siyang laging kasama sa mga past drama series na ginawa nila ni Miguel, ang pinakahuli ang Niño, na hindi na siya naiilang na hawak-hawakan niya ang kamay ng ka-love team, kahit hindi eksena. Ang name ng character ni Miguel ay Prince, kaya siya ba ang magiging prince talaga ni Bianca if ever? Kung si Bianca raw ay ang pinakamaganda nang prinsesa sa kanya, siya raw naman ang magiging pinakamabait na prince na ka-love team, kabaligtaran ng character ni Prince sa story na mayabang at ipinagmamalaki ang kanilang kayamanan.

Bianca will turn fifteen years old na, paano kung ligawan siya ni Miguel who’s now sixteen years old? Natatawang sagot ni Bianca, “siguro po kung liligawan nga niya ako, ang una muna niyang liligawan ay ang lola ko dahil ayaw pa niyang magpaligaw ako.”

Sakaling i-offer nga Sec. Leila De Lima hindi dapat padalus-dalos sa pagpalit kay Francis Tolentino

Kung totoong kay Justice Secretary Leila de Lima gustong isalin ni MMDA Chairman at Over-All Chairman of the Metro Manila Film Festival (MMFF) Francis Tolentino ang pamamahala sa twin posts na iiwanan niya simula ngayong 2015, dapat siguro ay pag-isipan itong mabuti ni Sec. De Lima dahil mas marami siyang problema tungkol sa mga kapulisan at sa mga kapalpakan sa pamamahala sa kulungan sa Muntinlupa.

vuukle comment

ANDREW E

BARBIE ALMALBIS

BIANCA

BIANCA UMALI

CARAT PHIL

CARAT PHILIPPINES

DE LIMA

FRANCIS TOLENTINO

MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with