^

Pang Movies

Love story nina Maja at Gerald ‘magwawakas’ na KC at Paulo ‘nagkakalabuan’ na rin

The Freeman

MANILA, Philippines - Tunay na kahulugan ng pag-ibig ang ibabahagi ng real-life couple na sina Gerald Anderson at Maja Salvador sa televiewers ngayong Biyernes (Enero 2) sa pagtatapos ng kanilang kuwento na The Gift of Life sa Christmas TV special ng ABS-CBN na Give Love on Christmas. 

Sa kabila ng pagtutol ng kanyang ina, ipaglalaban ni Tristan (Gerald) ang espesyal na pagkakaibigan nila ni Melissa (Maja) ngayong unti-unti nang nahuhulog ang kanyang loob para rito. 

Paano mapaninindigan ni Tristan ang kanyang pag-ibig para kay Melissa ngayong mas lumalala na ang kanyang sakit? Mahahanap na ba ni Melissa ang lakas ng loob para isakripisyo ang sarili upang mapahaba pa ang buhay ni Tristan? Sa huli, ano ang gagawin ni Melissa kapag natuklasan niya na ang lalaki na kanyang pinakamamahal ay ang dahilan ng aksidenteng sumira sa kanyang buhay at pamilya? 

Samantala,  panibagong kuwento ng pag-ibig naman ang matutunghayan ng TV viewers sa Give Love on Christmas sa Lunes (Enero 5) sa pagsisimula ng Exchange Gift tampok ang award-winning actors na sina KC Concepcion at Paulo Avelino. 

Iikot ang kuwento nito kina Christian at Anna (Paulo at KC), ang mag-asawang pagtatagpuin ng pag-ibig at tadhana, ngunit pilit na paghihiwalayin ng kanilang mga pagkakaiba at patung-patong na problema. 

Ang isa pang episode ng Give Love on Christmas ay ang  The Gift Giver nina Eddie Garcia, Aiko Melendez, Dimples Romana, Carlo Aquino, at Louise Abuel. Ito ay Pamaskong handog ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak, Juan dela Cruz, at Ikaw Lamang. 

Huwag palampasin ang pagtatapos ng Gift of Life ngayong Biyernes at sa pagsisimula nag-Exchange Gift sa Lunes sa bago mag-It’s Showtime sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Give Love on Christmas Day, bisitahin lamang ang Twittter.com/DreamscapePH at Instagram.com/DreamscapePH.

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

BIYERNES

CARLO AQUINO

CHRISTMAS DAY

DIMPLES ROMANA

DREAMSCAPE ENTERTAINMENT TELEVISION

EXCHANGE GIFT

GIFT OF LIFE

GIVE LOVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with